Huwebes, Hulyo 31, 2014

Mga Katanungan na Pabulong

Bakit may nakukulong
Kung hindi naman lulong?
Bakit may nagiging pasyente
Kung hindi sila inosente?

Bakit tinatawag na hustisya
Kung hindi naman malaya?
Bakit tinatawag na bansa
Kung isa itong pusa?

Bakit tinatawag na relihiyoso
Kung mahilig naman mamboso?
Bakit tinatawag kang Diyos
Kung pagsunod naman hindi maayos?

Bakit may magagaling magsalita
Kung sa gawa naman ay malata?
Bakit ka sita ng sita
Kung ikaw mismo anak ng puta?

Bakit may mga mapanghusga
Kung hindi ito mahalaga?
Bakit may mga natataranta
Kapay merong kumakanta?

Bakit sanay sa wikang Ingles
Kung hindi ka naman Ingles?
Bakit sa sariling wika ay dayo
Kung tayo naman ay Pilipino?

Bakit tayo'y naghihirap
Kung pataas ang hinaharap?
Bakit tayo'y nagbubulag-bulagan
Kung ramdam naman ang kahirapan?

Bakit may mga kilos protesta
Kung walang sumasama?
Bakit ka naglilista
Kung hindi ka sasama?

Bakit wala kang oras
Kung lagi ka lumalayas?
Bakit mo ito ginagawa
Kung ika'y nagsasawa?

Bakit ka nagmamahal
Kung gusto mo'y blusa o salawal?
Bakit ka pa rin nagloloko
Kung sa bisyo mo'y sumuko?

Bakit ka pa nagmamahal
Kung pinapatay ka nito?
Bakit ka pa nagmamahal
Kung sinasaktan ka nito?

Bakit ako tanong ng tanong
Kung alam ko na yung mga sagot
Sa isipan niyo, ako'y bumubulong
Alamin ang sagot upang may malagot

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento