Chumannel sa gedli ng Pylon
Doon, kami ay uminom--
Bumili ng Ginalu sa tindahan
Walang Ice--sa mangga dinaan
Tumitiktik sa kadiliman ng G
Parang sa Jeepay kapag nag-1,2,3
Kasama ko mga kaibigan pati si C
Akala ko silang lahat ay nagmamadali
Unang soba ang tumaob
Kinuha ang isa sa loob
Doon nagkaroon ng Amats
Kasmala ng A--kakulitan di maawat
Lutang na lutang sa kasarapan
Paningin ko umiikot sa kalawakan
Kwento ng buhay lumalabas sa bibig
Ngayon ko lang napagtanto--kaming lahat ay hawig
Isoy, lak-a at G
Ito lang pala ang magtatawid
Ng kalungkutan ko sa kabila
Upang kasiyahan ang makita
Kami ay kumayro,
Naglakad doon sa kanto
Sumakay ng jeepay
Mundo ko'y parang namamatay
Tila gusto kong magtawag ng uwak
Ito na nga-- lalabas na
Tinitigilan hanggang maiyak
Inilabas lahat pagdating sa Cubao
Shumombay sa gutter
Para kaming mga skwater
May mga natutulog na sa tabi
Mga damatans ng aming gabi
Kadla, tawag, kadla, tawag
Ito ang nararamdaman
Sa pag-uwi--
Ng labis na kalasingan
Mga ideyang humaplos lang sa aking isipan at ginawang sulat, minsan pangbaliw, minsan pang-masa, kayo na bahala humusga. Hindi ko hinihingi ang inyong papuri, gusto ko lamang ipahayag ang aking ideya o saloobin sa iisang bagay.
Huwebes, Oktubre 16, 2014
Martes, Oktubre 14, 2014
Tauhan sa Aming Tahanan
Sa unang pagtapak ko sa buhay
Siya mismo ang nagsilbing gabay
Pagtapos ko lumabas sa kanyang bahay
Siya ang nagbigay ng kulay
Sa pagiging maliit at mahina
Sa kanya ako nagbigay ng tiwala
Siya ang nagbigay sa akin ng proteksyon
Sa mundong puno ng aksyon
Sa aking mga kagustuhan,
Siya ang nagsilbing puhunan
Binibili aking mga gusto
Kahit mahal pa ito
Sa aking paglaki, siya ay pumanaw
Ako'y biglang nagbalik tanaw
Sa kalikasang kanyang minahal
Minahal at sumunod sa kanyang yapak
Siya yung taong mahal ang kalikasan
Kaya pala lagi siyang wala sa aming tahanan
Nasa tuktok ng bundok, kinakausap si Bathala
Nung ako'y sumunod, nadagdagan aking tiwala
Sila ang aking magulang,
Mula nanay, tatay, lolo't lola
Kelan kaya kami magkikita-kita
Sa kabilang dimensiyon na isa lamang hinala
Siya mismo ang nagsilbing gabay
Pagtapos ko lumabas sa kanyang bahay
Siya ang nagbigay ng kulay
Sa pagiging maliit at mahina
Sa kanya ako nagbigay ng tiwala
Siya ang nagbigay sa akin ng proteksyon
Sa mundong puno ng aksyon
Sa aking mga kagustuhan,
Siya ang nagsilbing puhunan
Binibili aking mga gusto
Kahit mahal pa ito
Sa aking paglaki, siya ay pumanaw
Ako'y biglang nagbalik tanaw
Sa kalikasang kanyang minahal
Minahal at sumunod sa kanyang yapak
Siya yung taong mahal ang kalikasan
Kaya pala lagi siyang wala sa aming tahanan
Nasa tuktok ng bundok, kinakausap si Bathala
Nung ako'y sumunod, nadagdagan aking tiwala
Sila ang aking magulang,
Mula nanay, tatay, lolo't lola
Kelan kaya kami magkikita-kita
Sa kabilang dimensiyon na isa lamang hinala
Miyerkules, Oktubre 8, 2014
Hindi Akalaing Pagkikita
Sa Unibersidad papunta
Sa isang jeep ako'y nahila
Andun pala ang aking sinisinta
Napangiti ako ng sobra
Kulay ng damit niya'y kakaiba
Bago sa aking naglalabong mata
Kulay puti--kasing puti ng kalapati
Lumilipad pagkatapos masawi
Hindi ko akalaing makakasabay ko,
Ang taong nagpapatibok sa puso ko
Buong pagkatao ko'y nag-iba ng timpla
Naging malakas kesa kanina, tulala
Ang simpleng kagandahan niya
Bakit hindi ko makitang simple?
Paano ko ito nasabi?
Mata niya'y tignan mong mabuti
Boses niyang nagpapaswabe
Ng galaw ng aking araw
Ako na mismo ang tumititig
Ako pa rin ang natutunaw
Pambihira ka talaga
Pambihira ang iyong kagandahan,
Hindi itsura o katawan--
Kundi ang iyong kabuuan
Sa isang jeep ako'y nahila
Andun pala ang aking sinisinta
Napangiti ako ng sobra
Kulay ng damit niya'y kakaiba
Bago sa aking naglalabong mata
Kulay puti--kasing puti ng kalapati
Lumilipad pagkatapos masawi
Hindi ko akalaing makakasabay ko,
Ang taong nagpapatibok sa puso ko
Buong pagkatao ko'y nag-iba ng timpla
Naging malakas kesa kanina, tulala
Ang simpleng kagandahan niya
Bakit hindi ko makitang simple?
Paano ko ito nasabi?
Mata niya'y tignan mong mabuti
Boses niyang nagpapaswabe
Ng galaw ng aking araw
Ako na mismo ang tumititig
Ako pa rin ang natutunaw
Pambihira ka talaga
Pambihira ang iyong kagandahan,
Hindi itsura o katawan--
Kundi ang iyong kabuuan
Biyernes, Oktubre 3, 2014
1:00 A.M
Hindi ko alam kung saan ka nagpunta
Hindi alam kung bakit wala ka pa
Hindi alam kung bakit hinahanap ka
Sa totoo, wala naman akong karapatan
Hindi ko masabing,"mahal kita."
Natatakot kung saan mapupunta
Hindi kita kayang mayakap
Kahit gustong-gusto ko na
Nababaliw ako kapag wala ka
O, asan ka na aking sinta?
Isang araw mong paglisan
Parang isang taong iniwan
Mundo ko'y wala sa tiyempo
Ilaw sa dilim lumalabo
Bakit na ako nagkakaganito?
Ito na ba ang kinakatakot ko?
Ang labis na paghahanap
Ng kalinga't alaga
Parang asong naghahanap
Di na masaya kapag sobra
O, pagkakataon asan ka na?
Bakit hindi ka nagpapakita--
O sadyang hindi lang kita makita
Asan na ba ako napupunta?
Kahit anong pag-iwas
Kahit anong pag-aaliw
Ikaw pa rin nasa puso't isipan:
Aking prinsesa
Hindi alam kung bakit wala ka pa
Hindi alam kung bakit hinahanap ka
Sa totoo, wala naman akong karapatan
Hindi ko masabing,"mahal kita."
Natatakot kung saan mapupunta
Hindi kita kayang mayakap
Kahit gustong-gusto ko na
Nababaliw ako kapag wala ka
O, asan ka na aking sinta?
Isang araw mong paglisan
Parang isang taong iniwan
Mundo ko'y wala sa tiyempo
Ilaw sa dilim lumalabo
Bakit na ako nagkakaganito?
Ito na ba ang kinakatakot ko?
Ang labis na paghahanap
Ng kalinga't alaga
Parang asong naghahanap
Di na masaya kapag sobra
O, pagkakataon asan ka na?
Bakit hindi ka nagpapakita--
O sadyang hindi lang kita makita
Asan na ba ako napupunta?
Kahit anong pag-iwas
Kahit anong pag-aaliw
Ikaw pa rin nasa puso't isipan:
Aking prinsesa
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)