Sabado, Agosto 30, 2014

Pasalubong Mula Hongkong

Tropang umuwi,
Pasalubong binigay
Ito ang nagsilbi
Papunta sa tulay

Tulay sa kabilang mundo
Silyado sa pabango
Gamit lamang ang tela
Doon magsisimula

Aking hinigop si hiwaga
Sa kabingian ako'y natuwa
Kaluluwang umalis pumunta
Pumunta sa kabilang mundo

Hinihigop aking pagkatao
Binabalik parang bilao
Asim sa aking mukha di mapinta
Kaluluwa hindi alam kung san pumunta

Namumula at natutulala
Tapos biglaang mawawala
Bagong gising ang epekto
Mapapayosi sa kanto

Nabibili ito sa Sari-sari
Sa hongkong 'di sa tawi-tawi
Pangalan nito di ko masabi
Narinig ko lang ito'y Wari

Martes, Agosto 26, 2014

Gahasa



Bansang ginasa,
Bansang puno ng nanggagahasa
Hanggang kelan tayo maaalipusta
May katapusan naman sana

Babaeng kay gaganda
Sa Pilipinas nagmula
Dayuhang nagpunta
Binigay buong tiwala

Pilipinong Ibarra
Bakit nawala?
Makakita ng katawan
Ilalabas agad ang pinagmulan

Sarap sa sistema inabuso
Katulad ng pagsipsip sa suso
Hindi namamatay ngunit nakukulong
Sa kantutan doon nalulong

Katawang kaakit-akit: nakakademonyo
Titingin muli kay Sto. Niño
Magdadasal ng mabuting-mabuti
Kasinulingan ang mga sinasabi

Hindi alam kung anu ang gagawin
Sa tula, opinyon ay sasabihin
Kaya mo naman magbalbal
Bakit kelangan pa gumamit ng katawan?

Linggo, Agosto 24, 2014

Sabay sa Uso

Nakikisabay sa uso tong mga to,
Mga makina na may dugo
Hindi sa pagiging tuso,
Pero bakit ang tao nagiging bobo?

Kahit saan tumingin, may nakikitang makina
Kritikal na pag-iisip, nawawala't humihina
Larong habulan at tagu-taguan
Asan ka na, bakit di na makita?

Nanghihinayang sa Gabi ng Sabado,
Hayok na hayok sa pagsusubo
Asidong humahaplos sa kalamnan
Sa Motel ang paroroonan

Hindi alam kung anu ang gagawin,
Mga walang kwentang bagay kelangan pang sabihin
Kahit pagkuha ng larawan aking napansin
Kapeng kay mahal, ngayon lang kayang bilhin?

Kapag may lumabas na bago
Mangunguna tila isang gago
Bakit ganito ngayon ang tao,
sa materyal na bagay naloloko?

Huwebes, Agosto 21, 2014

Ang Gabing Paglalakbay sa Mt.Tagapo, Barangay Janosa, Talim Island, Binangonan, Rizal

2:00P.M - P.U.P, Sta.Mesa


Mag-isang nakatambay sa maingay na parte ng Charlie del Rosario o sa tinatawag nating "Unyon." Mareaming mga estudyante ang naghahanda sa paparating na parada. Naalala ko noon, nung unang taon ko sa sintang paaralan, para din kaming langgam na nagtratrabaho ; isang utos, isang takbo kaming sumusunod sa aming lider. Maraming kalat sa paligid, nangangamoy pintura, mainet na kapaligiran at ang ingay na nakakabingi. Habang sinusulat ko ito ay iniisip ang aming lakbay patungong Mt. Tagapo. Palihim akong umalis sa aking bahay ; sana, tama ang aking desisyon.

3:00-4:00P.M(Palabas ng P.U.P)

Alas-tres talaga ang aming usapan, unang dumating ang aking kaibigan na si Ernest. Kami'y naingayan sa tambayan kaya't lumabas na lang kami at umakyat sa aming college. Parehas lang ang aming kurso kaya't nagkasundo kami. Una kaming napadpad sa mga nag-eensayo sa dadating na beauty pageant. Nakita ko nga ang aking crush doon, kaklase siya ni Ernest. Pagtapos, tumambay kami malapit sa silid-aralan ni Weedon ngunit wala siya. May tumawag sakin, ang iba pa naming kasama, sila daw ay kumakain na at kailangan na naming bumaba.

Bumaba kami, dumating na si Mark at tila may kasamang iba, siya daw si Matthew, isang ka-kurso ko ngunit graduate na. Kumakain si Mark ng sopas at inaya ako nito, tumanggi ako dahil sa hindi malamang kadahilanan. Andun din yung tropa naming skater, si kuya mo C, may dalang baon para sa aming lakbay. Habang kumakain sila, naglaban muna kami ng tarantado ng skateboard, si Ernest. Parehas kaming naka-sandals kaya't pang-ulul yung trip. Nanalo ako. Tumayo't umalis na kami.

4:00-4:20P.M - (P.U.P to Pureza Station)

Lumabas ng Sintang Paaralan, sumakay sa trike. Mga himig ng sasakyan, taong sumisugaw at busina ng sasakyan ang mga sumisiping sa aking tenga. Hindi naman dapat kami matatagalan sa pagpunta sa stasyon ng LRT. Matraffic, may ginagawang sa daaanan, hindi ko alam kung ano iyon, pero sa aking pag-iisip, ito'y pakana ng putanginang politiko na gusto magpapansin sa nalalapit na halalan. Nakarating na kami at naramdaman ko ang gutom, bumili muna ako ng tinapay sa malapit na panaderya. Naglalakad kaming kumakain ng matamis-tamis na tinapay, doon namin nakita si Cay, ang pagmamahal ni Matthew.

Pumasok kami sa stasyon, nakikita ko yung mukha ng gwardyang tumitingin sa aming bag ; nayayamot si gago, andami naming dala at hirap na hirap siyang i-check, kaya sa mga sumusunod sa amin ni Mark, hindi na chineck. Pag-akyat ay pinabili muna namin si Ernest ng ticket, at ako'y bumili ng pizza. Gutom pa ako. Pagtapos ko namnamin ang pagkain ay ito naman tapos ni Ernest, ipinasa sa amin ang mga ticket at kinulang pa kami ng isa kaya't naghintay nanaman kami ng matagal.

4:20 - 4:40P.M (Pureza to Santolan Station)

Wala akong masyadong makwekwento dito, ako'y nakatunganga, lumilipad ang isipan. Sila naman ay parang gagong nagtatawanan dahil kay Mark, hindi ko na maalala kung anu ang ginawa niya.

4:40- 5:00P.M(Santolan to Sta.Lucia)

 Pagbaba namin, sumakay kami ng jeep papuntang Robinson, doon sasakay kami papuntang terminal ng bangka. Binangonan ang aming sinakyan. Lahat ay tahimik.

5:00 - 7:30P.M(Sta Lucia - Terminal)

Hindi na ako magkwekwento dito, nakakayamot dito, isa sa mga pinakamatagal at pinaka-nakakangawit na byahe. Yung iba'y nakatulog, yung iba'y naglalaro sa selpon, ako, nakatanga sa kapaligiran.

7:30 - 9:00P.M (Bangka to Janosa)

Huling byahe na yung aming naabutan, sabay lang din dumating ang isa naming kasama, si Tonton. Iniwan muna namin ang aming kagamitan sa loob ng malaking bangka ; kasya ang 40 o mahighit na tao sa loob nito, maraming upuan. Meron sa labas, loob, gitna, at sa iba't ibang sulok nito. Kami ay namalengke muna ng mga kakailanganin sa aming lakbay.

Nakasakay sa bangka sa maulan na gabi ng agosto, nakakatakot na kadiliman ang nakikita ko; ilaw ng siyudad lang ang basehan sa aming paroroonan. kulog at kidlat sa paligid nakakakaba ngunit kumpiyansa ang mga namamahala ng bangka. mga islang kay itim di na kita ang berdeng kagandahan. simoy ng hangin palakas ng palakas kasabay ng ambon na lumambing sa aking balat. Nakita ko si Tonton, nakaupo sa labas ng bangka. Nainggit ako at ginaya ko ang kanyang posisyon. Nagyosi at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay na akin na lang. Habang kausap ko siya, dinadama ko ang madilim na tanawin at hinahayaang dumampi ang iyak ng kaulapan.

9:00 - 10:00P.M(Registration and pahinga. ak ak ak)

Sa bagong gawang kubo kami nagpahinga, dito kami naghahanda, nag-ayos ng mga kagamitan at nagtimpla ng kape. May nakakwentuhan pa ako tungkol sa kabishasnan dito. Tatlong libo ang botante dito, may simbahang kay simple ngunit dama ko ang lakas ng pwersa dito. May tindahan rin at mga tanod na ubod ng bait. Ang tour guide namin ay si tatay Nick. May itak siyang nakasabit sa kanyang kaliwa at may headlamp. Naka-maong at sando,sa kanyang katandaan ay kita pa rin ang batak na batak niyang katawan ; isang tunay na mandirigma nung unang panahon. Kami'y kumuha ng mga litrato, ginawa ang mga kailangang gawin, at nagkulitan bago ang seryosong laban.

 Cay
 Matthew
 Mark
 Isang Lokal at Ako

Ernest at Tonton



10:00 pm - 12:00 M.N(AKYATAN NA!)

Kami ay naglalakad na, dinaanan ang simabahan, "Sto. Domingo Parish," sa likod nito ang starting point. Hindi tulad ito nung huling akyat na walang hayop sa paligid. Unang bubulaga sa iyo ang mga palakang nakatambay sa mga bato at damo sa paligid. MInsan babanggain ka pa nito at magugulat ka. Isa naming kasama ay takot dito ; halong galit at irita ang kanyang reaksyon dito na tila isang babaeng tumtiili sa ipis na lumilipad.

Hakbang dito, hakbang doon, ilaw lang ng flashlight at headlamp ang aming gabay sa paglalakad. May mga bangin akong nakita ngunit hindi ka dito mamatay, katawa-tawa ka lang gugulong dito. Mabato ang daanan at medyo madulas dahil sa ambon na humahaplos sa aking katawan. Hindi mo ramdam ang pawis sa iyong katawan. Maraming kawayan sa paligid, kapag hindi ikaw nag-ingat, masusugatan ka nito ng hindi mo namamalayan. Merong kubo na ginawa nila tatay Nick, doon muna kami nagpahinga at nagyosi. Kasya kami dito ngunit na-untog ako, tangina! ang hirap maging matangkad. Pagtapos naming magpahinga, ito nanaman sa pag-akyat, seryoso na kami dito. Masmakipot ang daanan at dumudulas na lalo ang aking inaapakan. Maraming bangin ngunit nakakamatay, sabi ko nga, katawa-tawa ka lang kapag nahulog. Dumating kami sa puno ng mangga, may upuan doon, at may naka-ipit na bote ng tubig sa puno. Nagulat ako sa sinabi ng aking kasamahan, para daw akong super saiyan dahil galit na galit ang usok sa katawan ko. Ngayon ko lang nakita at naranasan ito, sa paglalaban ng init ng aking katawan at lamig ng kapaligiran na sinabayan pa ng ambon na lumakas. Tinapatan ko ng  flashlight ang braso ko, totoo nga, umuusok ako. Sa tapat namin, pinatay namin ang aming ilaw, tinignan ang kagandahan ng paligid sa gabing malamig. Isang bundok ang nakikita at sa likod nito , may ilaw ng siyudad. Pagtapos naming maaliw sa kagandahan, nagsimula na kaming umakyat.

Napapagod na ako ngunit todo akyat pa din, nararamdaman kong malapit na kami. Lahat ng aming daanan ay pataas na. Nasa likod na kami ng bundok. Ilang hakbang na lang, nagpahinga pa ako, sila'y nag-ingayan na dahil nandoon na sila. Iniwan namin ang aming kagamitan sa bandang gilid, may mga naka-kampo na at lasing sa kaliwa namin. Nagplano kami nila Tonton, sa tuktok mismo kami kakampo ngunit dahil sa kaduwagan ng isang tropa, tangina! sinira niya ang aking gabing masaya. Hindi lang pala ako, pati na rin si Apple, sabay kaming umakyat pagtapos tinignan ni Ernest at Tonton kung may tao sa taas. Sa kalagitnaan ng papuntang tuktok, may sumigaw samin, pinapababa kami. Meron ding sumigaw, minura kami. Minura ito ni Apple at nanahimik si mokong.

Pagbaba ko, inaayos na nila ang aming tent. Nanginginig ako sa puot at galit. Nakatungangang inuutusan, padabog ko naman itong sinusunod. Si Apple, di mapinta ang mukha, kitang-kita sakanya ang parehas naming galit. Nung naayos na ang lahat, dito ako nagsulat sa loob ng aming tent. Kasama ko si tatay Nick, tinutulungan akong magsulat ; hawak niya ang flashlight.

12:00- 5:30A.M (Trip!)

Kami ay nagkainan sa simpleng handaan. Lahat ay nabusog. Yung iba ay tumuloy na sa pagtulog ngunit si Mark, Tonton, Ernest, at ako ay nasa labas. Kami ay Mag-iinuman ng kanyang dalang tequila: Mojitos yung silver. Kasabay ng tugtugan ang aming pagsayaw na parang mga ulupong na hindi na masisinagan ng araw. Tawanan at gaguhan ang aming ginagawa, oo nga pala, si tatay Nick na akala naming tulog na ay sumama sa amin. Nagluluto si Tonton ng kropek, kada tapos nito ay siya namang kagat ni Ernest. Tangina! dejavu nga. Lumipad ang aking isipan, naalala ang lahat, parang nangyari na ito sa akin sa ibang dimensyon. Ako'y tinatamaan na, nawawala na yung banas ko sa isa. Umuulan nun at medyo malamig, wala akong suot-suot na panglamig nun. Salamat sa powerbank ni Ernest dahil nagkaroon kami ng musika sa katahimikan ng gabi. Kami nga lang ang maririnig mong maingay dahil lasing na ang katabing kampo. Ilang ikot ng alkohol ay siya namang gaan ng aking katawan. Sinabi kong samahan nila ako sa aking trip, bago bumuka ang liwanag ng araw, dapat nasa tuktok kami at matuklasan ang kagandahan nito. Lasing na ata si Ernest dahil di niya namalayang nasipa niya ang aming inuman, naagapan naman agad ito ngunit nayamot si Tonton. Nasa kalagitnaan na ang aming iniinom. Lumalamig na talaga ang simoy ng hangin at ako'y pumasok muna para kunin ang aking balabal. Alas-tres na iyon, tinatamaan na ng alak at gutom. Hindi na ako matutulog hanggang pagbaba. Na-ubos na namin ang aming inumin, si Mark ay pumasok na at si tatay ay tulog na. Kaming tatlo na lang ang gising at natutuwa sa mangyayari. May tirang kanin pa at may ulam akong hindi na kailangang lutuin: ULALAM. binuksan ko ito at itinapon sa bundok ng kanin. Kumain kami, papasang kaliwa parang sumisindi ng marijuana. 

5:30 - ? (Umagang Kay Ganda)

Pagtapos namin uminom ng Mojito, pasikat na ang araw. Gusto ko makita ang pagsikat ng araw kaya nauna na ako sa kanila. Sila'y magtitimpla pa ng kape para sa umagang kay gandang dadating. Mga damong humahaplos sa akin, kasing tangkad ko. Madulas ang daan:lupang basa ang aking inaapakan. Umaakyat na ako, sinusundan ang daanang hindi makita. Dumating ako sa puntong akala ko'y naliligaw na ako. Hingal na hingal ako na may dalang SLR, para akong medic na may dalang gamot sa labanan. Hindi ako nagpahinga, nakikita ko na ang kadilimang bumabalot sa kaulapan ay unti-unting nawawala. Minadali ko ito, binilisan ang ang aking hakbang kahit hingal kabayo na ako. 

Pagkarating ko sa tuktok, naramdaman ko ang ihip ng hangin, mga hamog na kumikiliti sa aking leeg; natural ang lamig para kang nakatapat sa aircon. Punong-puno ng ulap na may iba't ibang hugis. Ang Mt. Makiling ay napapalibutan ng ulap na tila isang malaking bulak, sa Mt. Sembrano naman ay may sumasayaw na ulap pababa, galing tuktok nito, at sa Mt.Cristobal: ang gusto kong akyatin, parang may icing ng cake ang tuktok nito. Kahit saan ka tumingin, kanluran man o silangan, hilaga man o timog, kitang-kita mo ang kagandahan ng paraisong ito. Mga insektong kay laki, mga kakaibang nilalang ang kumakagat sa akin. Sakto ang dating ko upang matuklasan ang pagsikat ng araw, mahamog at maulap ngunit dumating ang puntong sumilip ang araw. Naiyak ako sa kagandahan nito, hindi ko alam kung bakit. Ganito rin siguro ang naranasan ng aking matalik na kaibigan na si Ernest. Ilang sandali ay dumating na din sila. Ilang minuto din ang lumipas, wala na ang hamog at lalo mong makikita ang putanginang kagandahan nito. 

Napahiyaw ako sa kagandang ng Laguna de Bay, tila diyamante ang tubig na umaagos, fish pen na kay laki, ulap na dumadaan, berdeng buhok ng paraiso, at masiglang sikat ng araw. Init ng umaga nilalaban ng hangin. Ang sarap, solidong-solido. Ako'y umupo nung paalis na ang ibang kasama. Pumikit ako, huminga ng malalim at ginawa na ang aking ritwal. Pinapakinggan ko ang mga nakapaligid sakin, humahampas sa aking tenga ang hangin at dumidikit ang mga insekto sa aking katawan na tila bahagi sila ng aking kaluluwa. Tumagal ako sa ganung estado, naramdaman ang aking parte sa kalikasan. Nagulat ako, walang kumagat sa akin, dinadaanan at dinadapuan lamang nila ako. 














Nagugutom na kami, kaya't bumaba na kami. Nagluto ng agahan at dama na ang demonyong sikat ng araw. Ang init, kaya napilitan kami lumipat ng aming lutuan. Doon na dumating ang dalawang mokong, sina Weedon at Darren. May mga dalang pagkain sa mga gutom na kambing. Masayang-masaya kami at naghihiyawan sa kanilang pagdating tila may pag-asang dumating. Hindi ko na alam kung anung oras na iyon ; pagpasensyahan niyo na dahil wala ng baterya ang aking selpon nun. Ubos na rin ang powerbank ni Ernest. Nasa lilim na kami dahil may mga umalis na rin yung mga kupal. Bakit kupal? ANDAMING BASURANG INIWAN SA BASECAMP. Hindi mo alam kung hindi nila alam na bawal mag-iwan ng basura dito o talagang mga isa't kalahating tarantado sila. May kumausap saming nagbabantay doon, paghati-hatian na lang daw namin ang basura. Walang kaso sa amin iyon. Habang nagpapahinga ang iba, may mga kumukuha ng litrato, nakatulog ako nun kaya hindi ko alam ang mga nangyari. Ito muli ang mga litratong nakuha habang tulog ako:









Pagkagising ko ay kainan na, nagplaplanong muling akyatin ang tuktok sa kasikatan ng araw dahil sa dalawang dumating. Kaming lahat ay pumunta at siyempre, may picture muli. Hindi ko na ilalagay ang mga iyon. Sa tuktok na lang kung saan malinaw ang lahat hindi katulad nung umagang kay ganda. Ito ang mga iyon.











Sa aming pagkakababa, kami ay nagpahinga at sumakay na ng bangka. Hindi ko labis na maisip ang kagandahan nito. Kitang-kita mo ang tuktok ng Mt.Tagapo. May mga ibon na lumilipad na tila flappy bird kung umakyat at bumaba. Sabay-sabay pa sila. Parami ng parami. Ang ganda ng tanawin, sana'y maulit muli ito. At sa pagwawakas ng mahabang kwentong ito. Ito nanaman tayo sa larawan na kuha sa bangka:










Miyerkules, Agosto 20, 2014

Isang Sagot Mo Lang

Hinahanap ang iyong presensya
Nung siya ay nawala
Hindi masaya
Kapag ika'y wala

Hinahanap sa bawat sulok
Sumisigaw--walang sagot
Sa aking selpon tumawag,
Walang sagot--di nako nagulat

Aking inuulit
Upang masulit
Pangungulit sa selpon,
Selpong umaawit

May kinalabit ako,
Akala ko'y ikaw
Lalamunan kong uhaw na uhaw
Nawala--nadaan sa silaw

Di ako makakain ng wala ka
Di rin makatulog kung wala ka
Di ako makatawa, makangiti
Daig ko pa ang taong sawi

Ika'y nakita nagkaroon ng pag-asa
Hindi maipinta aking tuwa
Siya lumapit may pinakita,
Tang-ina, walang dala

Martes, Agosto 19, 2014

Basketbol sa Ulan

Ako'y napadpad sa court ng Sintang Paaralan ; hindi ko naabutan ang tropa sa aming tambayan kaya't napatambay ako dito. Narito ang mga kamag-aral ko at mga tropa na rin sa ibang seksyon. Naglaban ang aming koponan laban sakanila ; kami ang natalo. May susunod silang laban ngunit nag-aalburoto na ang kaulapan, dumidilim na, nagbabadyang umulan ng malakas. Alas-tres pa lang nun ngunit mukha nang ala-singko, nababadtrip ako, may dala pa naman akong tabla. Tangina.

Nakaupo sa gilid ng court kung saan may silong dito ; bumubuhos na ang ulan, dama mo ang galit nito kahit nakasilong ako ng mabuti at may suot na hoodie. Nakikita ko sa aking kana, may dumidikit na na angge ng tubig, apra silang mutning dyamante. Tumayo ako at niyakap ang aking tablang nakabalot. May napansin akong grupo, naglalaro sa buhos ng tarantadong ulan. Sunod-sunod kumikidlat, para kang kinukunan ng litrato sa studio. Tila isang bombang sunod-sunod na sumasabog ang kulog na mala-demonyo sa galit: parang katapusan na ng mundo. Kitang-kita mo sa itsura nila, masayang-masaya, walang paki sa takot ng iba. Ako'y naaliw sa kanilang paglalaro, may stilo at arte sa bawat galaw nila, kitang-kita ang lambing na matapang nilang galaw sa bawat tira na ginagawa. Ilang minuto ang lumipas, may nilaro silang iba: shooting ngunit kapag kapos ang tira ay siya yung yuyuko at dadaan sa ilalim ng kasama, o kapag huling nakashoot ng bola. Para silang baliw na kakawala lang sa mental, pinapahirapan ang natalo sa pamamagitan ng paghahanap ng bahang parte sa court, at doon magpapalusot.

Nung nagsawa sila, pumunta sila sa kabilang court, madulas iyon, ang sarap maglaro ng tabla doon lalo na;t papadulasin mo ang makapit mong gulong. SIla'y parang gagong gumugulong ; mga itlog na umiikot at nung tumagal, sila'y parang naglalaro sa nyebe. Nadama ko ang hangin, kasing sarap sa paraisong pinaghirapang akyatin. Pinapakiramdaman ko ito habang nakapikit, unti-unting lumalamig ang gilid ng mga tenga ko. Kinikilig at tinitigasan ako ng utong sa bawat hampas nito sa akin. Binabalik ako sa ala-ala ng kahapon, isang hangover ng kasarapan...

Huwebes, Agosto 14, 2014

Inumang Sinundan ng Inuman


Ako'y lasing na
Tulala at nanghihina
Anu bang klaseng mahika
Ang salitang "Halika"

Hinihigop ng tagay,
Hinihigop ang alkohol
Pulutang hindi maubos
Kinakain parang busabos

Ilang tagay pa ang umikot
Dumating aking kinakatakot:
Maging bobo at hangal
Pag-iisip ko'y minimal

Hindi namalayang nakatulog,
Napagtripan aking hubog
Sulating marami--
Paano, hindi masabi

Pauwi na ng bahay
Sumakay isang lantang gulay
Kami'y naghiwalay
Cellphone ko ang sumilay

Ginamit ito, nagsulat
Sumulat sa iniirog
Pagkagising ay nagulat
Nasobrahan sa pambibilog

Kasabay ng sakit ng ulo
Pusong pinapalo
Sa ginawang kahangalan,
May parating na ulan

Miyerkules, Agosto 13, 2014

Pagbabalbal ng Bulag

Walang makita ngunit alam humimas
Mga kamay nagpapakita ng gilas
Katawan ng isang babae 'di pa nakakakita
Walang makita kanyang mga mata

Kanyang utak: berdeng imahinasyon
Hindi sa larawan kundi sa tunog
Mga kwento, tenga niya ang lumamon
Sa tunog, doon gumawa ng hubog

Tumataas, bumababa
Iniipit ang semilya
Dama ang labis na ekstasiya
Kanyang laman ay humahaba

Inaabot ang rurok ng paroroonan
Kanyang libog ay tinugunan
Tuwang-tuwa si loko,
Hindi alam saan pinutok

Martes, Agosto 12, 2014

Pagtambay ko sa Trinoma

Naka-upo sa gilid ;
Pinagmamasdan aking paligid
Usok ng yosi, naamoy
Nakatambay parang palaboy

Babaeng maiiksi kung manamit
Nagtitipon-tpion doon
Meron pang may mga lawit:
Sila yung Adonis noon

Hanging walang buhay
Dito sa berdeng kulay
Mga kimig ng musika,
HIndi ko maintindihan

Mga tawa't hiwayan
Sa mga walang kwentang bagay
Bakit pa kaya sinilang?
Kung tinatapon lang kanilang buhay

Naririnig ko, "Saan tayo iinom?"
Alkohol-- sila'y nimalon
Bakit ito'y bibigyan pansin
Mura lang naman ito sa amin

May hayskul akong nakilala
Huli ko sa aktong bumobomba
Siya'y hindi pinuna kundi--
Aking inaya

Kami'y naging magkaibigan
Nag-usap tungkol sa kalaliman
Batang may ningning sa kanya mata
Kitang-kita ang pagka-makata

Siya'y umalis, kelangan ng lumisan
Pupunta doon, sa kanyang paroroonan
Hinihintay ng kanyang magulang
Minu-minuto binibilang

Ang Paglalakbay sa Mt. Palay-Palay, Pico de Loro(Part 2)

Sinulat ko ito pagtapos ng patitipon namin kagabi, Sabado ng Agosto 9. Kami ay nagplaplanong umakyat ng gabi sa tuktok ng Mt. Tagapo sa Talim Island, Binangonan Rizal. Ito'y gusto ko naranasan, madama ang kadiliman ng gabi papunta sa paroroonan.Binigyan ako ng pagkakataon upang masaksihan muli ang kagandahan ng kalikasan. Hindi ko makakalimutan iyon, ang kakaibang karanasan ko sa tuktok. Gusto ko 'tong maulit, gusto ko muling mahaplos, maramdaman ang presensya ng ibang nilalang. Pilit kong binalik-balikan ang ala-alang ito, katulad ngayon ; nakatanga ako mag-isa sa Sintang Paaralan, tahimik, rinig ko ang huni ng mga ibon, galaw ng mga dahon at hanging masigla na may baon pang kabahuan ng Ilog Pasig. Higit pa ang nadama ko doon sa Pico de Loro. Halika, balikan na natin ang nakaraan.

Nagising sa tagastas ng hangin sa aking paa, bandang hapon na iyon, iba'y humihilik pa sa pagkakatulog sa pagod na nadama. Si Mark at Apple, at iba pang hindi ko matandaan ang tulog pa/ Humuni sakin ang boses ni Ezra, tila may nalamang pag-asa.Sinabi niya sa amin na may mapagkukunan ng tubig. Dali-dali kong inaya si Dars upang mag-igib ng tubig at magyosi na din. Sa aking pagkakatayo, may nakita akong nakakampong tent. Napansin ko silang umaakyat din nung kami ay nagsisimula. Kapansin-pansin yung isang lalake, nakadreadlocks ang buhok niya at meron siyang tungkod na maporma ; para siyang samurai kapag hawak-hawak niya iyon. Yung isa ay simple lang, nakabandana, diyamanteng tindig ng katawan. Kitang-kita sa kanya ang isang madirigmang ilang beses nang nanalo sa laban, tunay na mamumundok. Sila'y kakatapos lang kumain, nariyon pa ang kanilang kalan at nag-init yata ng tubig. Nilagpasan lang namin sila, at lumakad na sa mabatong madulas na daanan. Nakakairita at nakakatakot ang daanan, ilang beses din akong nadulas-dulas dito, nung tumagal, nalaman ko na ang diskarte. Hindi ako ang umiigib ng tubig ngunit kitang-kita ko ang pagkakagawa nito: ang tubig ay lumalabas sa butas ng isang bato, may sumasalong hating kawayan, nagsisilbing tulay ng tubig. Kung wala itong munting kawayan na ito, hindi kami makakapag-igib ng malinis na tubig. Nariyon sina Ab at si Jans, nag-iigib ng tubig, kami ni Dars ay tumulong, nagpasahan ng lalagyanan ng tubig. Nung matapos na ang lahat ng walang laman, sina Ab at Jans ay nauna na. Nagpa-iwan kami ni Dars upang magyosi doon sa isang malaking bato na hindi kalayuan. Kasya tatlong tao dito, mahamog pa ngunit sandali na lang, makikita mo ang aking kagandahan nito. Sinindihan ko na ang yosi ko, dinama ang sarap ng "Fortune Lights." Nag-usap kami ni Dars, tungkol sa mga kakaibang bagay sa mundo, katulad nito, ang aking ganda ng tuktok. Ang sarap magyosi dito, kitang-kita mo ang gawa ng Bathala, karapat-dapat makita ito ng mga taong nawawala, mga taong nilamon ng kadiliman ng kanilang kagustuhan. Maliliit na burol, punong sumasayaw, sumasabay sa hampas ng hamog. Lubos na ekstasiya ang naramdaman ko habang nakatulala sa kagandahan ng kalikasan, hindi ko namalayang napaso na ako ng yosing hinihithit ko, sumindi muli ako at si Dars, nakaamoy ang iba, sumunod at nagyosi rin. Naalala kong bawal magtapon ng basta-basta, tinipon ko ang mga puwetan ng yosi at itinapon ito sa kampo.  

Tapos na kaming magsaing, magkulitan at ngayon ay nakatanga, hinihintay ang gabi. Ala singko na iyon at lumalamig na ng panahon na iyon. Ang mga babae ay kinakausap yung dalawang napansin ko, sila'y natutuwa at tila yatang gustong magkwento ng buhay nila sa kanila. Habang sila'y naghahanda sa aming kakainin, ako'y nakatanga, tulala, lumilipad ang isipan, dinarama ang bawat kasarapan ng hangin dito sa itaas; alam kong hindi ko ito maamoy sa siyudad. 

Gabi na iyon, nung kumain kami, habang nagluluto ay umaambon at ako naman tong nagpapayong dito. Natawa ako, nung naalala kong dinala ito ni Dars, hindi ko alam kung anu ang silbe nito, ngunit mayroon(hahaha). Nakasukob siya sa payong, umiinom ng kape sa gabing malamig. Uminum muna siya bago kumain, isa ako sa mga na-unang kumain ng gabihan. Nahuli sina Mark at Apple, Ab at Jans, at si Ezra. Habang nakasukob siya sa payong, nag-usap kami tungkol sa libro. Nagulat ako at solidong fan siya ni Dan Brown ; doon din ako nagsimulang magbasa. Hindi ko akalaing ganun ang konsepto ng mga storya na binabasa niya, kakaiba sa isang babae. Hindi ko na siya tinigilang kausapin.

Inaya kaming uminom ng kapitbahay naming tent, yung kanina, sina Jherald at Reinford. Perpektong-perpekto ang kanilang inumin, hindi ko na maalala ang tatak nito, akala ko, Alfonso ito. Nilagok ko na ang una kong shot, hindi ko ramdam ang haplos ng init ng asidong ito, ang sarap! samahan mo pa ng Tang Pineapple na matamis-tamis. Kami'y nagkwentuhan, nakakilanlan, tama nga ang aking hinala, sila nga ay tunay na mandirigma. Si Jherald ay taga-Cavite lamang at dito talaga bumibisita kapag nangati ang kanyang paa sa pag-akyat, si Reinford, siya ang una kong napansin nung paakyat pa lang kami. Siya ang nakakausap ko, madali lang siyang kausapin, hindi tulad ni Jherald, tahimik at napakamisteryosong nilalang, tila nabuhay na siya nung nakaraan pa ; kitang-kita ko sa kanyang mata. Si Ezra ay hindi umiinom kaya nagtimpla na lang siya ng kape. Ilang tagay din ang umikot at tumama na sakin ang alak, tumayo ako, nagyosi, umalis muna sa tagay at pumunta sa tent. Nakita ko siya, nakaupo sa tent, tumabi ako sakanya at humingi ng kape. Doon na nagsimula ang matagal na usapan. Nakita kami ni Mark at pinicturan na tila may iniisip na ibang bagay. Napansin ng iba na nawawala ako, kami, sila'y nagparinig na pumunta na kami doon at simula na ng pag-inom ng El-hombre Tequila.

Kami'y nagsasayawan sa simple at mahinang musika na galing sa cellphone, para kaming mga baliw na nakakawala sa mental. Ilang ikot lamang nitong alkohol na ito ay binago na ang aking ugali. Hindi mo mararamdaman ang init sa lalamunan ngunit traydor ang tama niya, hindi ko alam, hindi ko napansin. Nababaliw na pala ako. Pina-shot ko si Jherald, hindi siya tumanggi kahit may allergy siya sa alak ; sabi sakin ni Reinford. Ang sarap magyosi at uminom sa kagabihan sa tuktok ng bundok, labis na ekstasiya ang aking naramdaman. Dumating ang punto na ubos na ang aming alak, lahat ay inaantok na ngunit dahil sa kagandahan ng himpapawid, lahat kami'y nagising. Nakakangawit tumingin, kumuha kami ng tarpaulin, humiga doon, pinagkasya ang sarili. Bituin sa himpapawid, hindi mo mabilang sa dami, kitang-kita ang angkin nitong ganda ; kanyang nakakabulag na ningning. Bulalakaw, minu-minutong nagpapakita, hindi ko mabilang kung ilang hiling na ang aking hiningi. Bakit ganito? bakit ang ganda ng gabi dito? Sa aking kalasingan, aking imahinasyon pinalipad ako, pinalangoy sa mga bituin, dinama ang sarap sa Milky Way.

Nagising ako sa lamig, sa ulan ng madaling araw.Ilang minuto rin ang lumipas bago mawala ang tulo ng kalikasan. Mga alas-singko na siguro yon, hindi ko maalala kung paano ako nakarating sa tent nila Mark at Apple. Nasusuka, nahihilo, ang sakit ng aking ulo kaya't bumangon ako. Nakita ko si Garban, magkakape yata, nagpasabay na ako sa kanya mag-painit ng tubig. Dinama ko ang lamig ng simoy ng hangin, natural na lamig, para kang nasa aircon. Naka-sweater na ako nun na may dobleng damit pero ramdam ko pa din sa mga balat kong sumilip ang lamig nito. Naninigas na utong, usok na lumalabas sa bunganga at ilong, nanginginig na katawan, gutom pa ang kalamnan. Kumulo na ang tubig at pasikat na rin ang araw non. Dali-dali kong kinuha ang aking inuman, madumi pa ito kaya nilinisan ko muna ng baby wipes. Pagtapos kong ma-timpla ang tatama sa aking hulog, umupo ako sa bato, hindi kalayuan sa aming kampo. Pinagmamasdan ko ang hamog na nagtatago ng kagandahan. Hindi ko pa mainom ang aking kape dahil sa kainitan nito ngunit ako'y nagsindi na ng yosi. Hithit rito, hithit roon, ang sarap magpa-usok, hindi ko na matiis ang sarili ko kaya't sumisip na ako. Kasabay ng pagkapaso ko ang pagsugod ng ilaw ng araw, konti-konting umiinit, hinahabol ka ng kanyang lupit; pero andito lang ako, dinadama ang lahat. Nung naubos ko na ang aking kape, ako'y mag-iigib ng tubig para sa aming lakbay patungong tuktok. Sila'y nagsasaing, konti-konting gumigising sa pagkakahimbing ng tulog.

Pagtapos kumain, naghanda na sa pag-akyat, dinala ang mga kailangang dalhin. Pinadala ko kay Ezra ang tubig, kwaderno at pansulat ko. Sakit ng katawan ay pumutok sa simula ng aming pag-akyat. Akala'y simple ang daan, pahirap ng pahirap sa bawat hakbang. Ang aming daan ay parang hagdanan, maraming hawakan, pwede ka rin malaglag. Bato at sanga ang iyong matalik na kaibigan, huwag hahawak sa ibang nakikita. Hinihingal na ako non ngunit hindi ako nagpapagil, nakayuko, maduming mga kuko. nakahawak sa bato o sa lupang matibay, para kaming si Spiderman. Nahuhuli kami ni Weedon, naninibago at kinakabahan sa daanan. Nadulas pa ako, naalis ang tsinelas, buti ay nakuha ko pa kundi, nakayapak ako uuwi. Isang hingahan na lang, nasa tuktok na ako ngunit pabagal ng pabagal ang aking galaw, ang aking pag-akyat, slow-mo ang lahat.

Ito na ang aking hininhintay, mapunta sa tuktok, makita ang lahat sa isang iglap. Hindi pa namin nakikita ng maayos ang lahat dahil ito'y tinatago ng mga ulap sa harap namin. Ako'y umupo, nagmuni-muni, hindi pa pala iyon ang paraiso. Meron pa kaming aakyatin na isang bato na tila isang malaking pako. Puro bato, literal na bato. Ngunit hindi ko muna ito inisip. Hinayaan ko ang aking mata at tenga na madama ang presensya ni Inang Kalikasan. Ang sarap, ang lamig ng simoy ng hangin, kay gandang tanawin ; masmaganda pa sa kahit sinong artista. Lahat ng pagod at hirap, nakalimutan ng isang iglap. Kahit problemang bumabalot sa aking puso't isipan, nawala. Hinihingi ko kay Ezra ang kwaderno't pansulat, pinalipad ang aking isip kasabay ng tunog ng hangin na pumapalo sa aking tenga.

"Dito sa parteng ito, huwag na huwag kayong magkakamali." ito ang sabi samin ni Garban, kami'y tutungo na ng bato. mga daan nito, imposibleng madaanan ng mga baguhan. Kelangang tignan at alamin kung saan hahawak o aapak. May mga nagpaiwan, kasama na don si Ezra, sayang, hindi niya makikita. kamay ko'y nangangawit na sa kakahawak, dumarami na ang daga sa aking dibdib. Nakakaba, nakakatakot ang daanan lalo na't isang mali mo lang, iyong buhay ay makikitil. Nakakabinging katahimikan, lahat ay naka-focus sa isang bagay. sinusundan ko ang yapak ni Garban lalo na pagdating namin sa akyatan ng bato. Pumutok ang aking adrenaline, lakas ng loob ko pinalalim. May parteng sobrang hirap, kelangan mong humawak sa tali at umakyat sa makipot na daanan. Isang bitaw mo lang sa tali, ika'y tatangayin ng hangin at mamatay. May mga na-una, ako'y isa sa mga nahuli. Pinagmamasdan ko sila kung paano umakyat, hinahanda ang aking utak at katawan sa aking gagawin. Hindi pa ako handa, at ako na. Ito na. Tara na!

May taong tumutulong sa amin, tinuturo kung saan aapak at hahawak. Ang utak ko'y sumusunod sa kanyang sinabi ngunit ang katawan ko'y naninigas sa takot. Panandaliang pumikit ako at inakyat ang aking sarili. Nakita ko ang aking mga kasama, naka-prente: naka-upo. May umiyak pa sa tuwa't takot, sa kagandahan ng putanginang tanawin! Hindi ko inaakala, ito pala ang para-iso sa maliit na espasyo, ito ang lubos na ekstasiya. Akala ko'y hindi makikita in Ezra ito, siya'y sumunod pati si Weedon at iba pa kay Jherald. Salamat sa kanya dahil nagkaroon ng kumpiyansya sa sarili ang mga naiwan. Ang ulap mismo ay humahampas sa iyong mukha, kasabay ito ng sikat ng araw. Hindi mo mararamdaman ang init nito dahil sa hanging malamig. Nakaupo ako sa isang bato at pumikit. Una'y naririnig ko ang hiyaw at tawanan ng aking mga kasama,tumatagal, may naririnig akong kakaiba: huni ng mga maliliit na insekto, hanging pumapalo sa damo. Dumating ako sa puntong-- hangin na lang ang aking naririnig at unti-unti itong nawawala. Tumahimik ang buong paligid, nawala ang hangin at biglang may dumaan na ilaw sa kadiliman ng aking pagpikit, sinabayan ito ng haplos sa kaliwang bahagi ng aking bulbuling pisngi. Nadilat ako, tumingin sa kanan, at may isang estranghero, sinabi sa akin, "Ayos ba?"

Naka-upo na ako sa bus, iniisip ang mga nangyari, tulala at parang wala pa sa hulog. Para akong ipinanganak muli nung pagkababa namin. Salamat sa dalawang anghel na tumulong sa amin, si Jherald at Reinford na-- nagpakain samin bago umalis. Kulang kami sa pamasahe, kulang din sa oras, kundi dahil sa kanila, maglalakad kami papuntang terminal pauwi. Salamat din na katropa ang kunduktor sa bus na sinasakyan namin. Estudyante sa araw ng linggo. Kulang din kami ng salapi, katabi ko si Ezra at inutangan ni Darren. Hindi siya sigurado kung may pera, pinahawak niya sa akin ang kanyang wallet. Tignan ko daw kung meron. Sa hindi inaasahang pangyayari, may tumataginting na isang daan. Lahat ng nangyari, lahat ay konektado, umayon ang pagkakataon sa amin.

Dumating na sa terminal, lahat ay nagsilisan. Bente pesos na lang aking pera, saktong-sakto sa aking pang-uwi. Wala ng yosi, wala ng pagkaen, nanghihina na ang aking katawan ngunit ang kautakan ko ay gulong-gulo pa rin sa nangyayari. Nasa LRT na ako, papuntang Roosevelt Station. Iniisip ko kung anu yung humaplos sa aking pagkatao, imahinasyon ko lamang ba ito o hindi? Bakit sa rami ng aming prinoproblema ay sobra pa ang binigay na solusyon. Ang sarap, hindi ko ito makakalimutan, itong kwentong ito ay buod pa lang ng lahat ng aking naranasan sa paglalakbay na ito. Salamat sa mga nakasama, sa mga nakausap, sa lahat ng nakita at sa Bathala. Itong pangyayaring ito, ay siya mismong nagpabago ng aking tingin sa buhay. Sana'y makita muli namin ang dalawang anghel na tumulong sa amin. Hindi ngayon, hindi bukas, hindi alam kung kelan pero alam ko, magkikita muli kami.







Huwebes, Agosto 7, 2014

Kakaibang dimensyon



Ako'y nanaginip ng gising
Dala na rin ng aking pagkalasing
Naninigas aking mga katawan
Narito muli sa kalaliman

Alam ko ang nangyayari sa ilusyon
Kontrolado ang lahat sa aking paligid
Ngayon, hindi ako nagpadala sa emosyon
Hinahayaan ang katawan ko umalis ng silid

Pumunta sa isang eksena
Unahan ng mga makina
Motorsiklo sa motorsiklo
Mga daan nakakabaliw at nakakahilo

Bilis ko ay hindi normal
Nakikita daig pa ang abnormal
Mga kakaibang puno at hayop
Sa daan ko ; lumulubog

May daanang nasa himpapawid
Paakyat papunta sa bituin
Bumibilis, dama ang init--
Init habang tumatawid

Mga ilaw sumasayaw
Naiiwan, sumasayaw
Tila isang laser gun
Nagmimintis sa kadiliman

Nakikita ko ang aking kalaban
Palapit ng palapit sa katapusan
Mabilisang inisip at pinindot
Katapusan ay inabot

Lumagpas ng mabilisan
Sa mundyong yon lumisan
Bumangga sa hindi nakikita
Dumilat, umaga na pala

Martes, Agosto 5, 2014

Ukit

Gabing malamig, lumalapit
Sa tinakdang oras sasapit
Isang larawang lalabas
Sa larawang-- larawang kupas

Ngiti niya'y buhay na buhay
Tila may pangarap na hinihintay
Sa mata  niya, ako'y napatitig
Bakit ako ay kinikilig?

Habang pumapatay ng oras
Kaalaman namin iwinasiwas
Pinagsama-sama sa iisang ideya
Pero magkakaiba ng pananampalataya

Mga kwentong gumising sa akin
Muli akong tumingin sa salamin
Maraming nalaman, kailangang alamin
Kasagutan niya'y ayaw sabihin

Nanakit, napapagod:
Ang hapdi ng pag-uukit
Sa balat kong humahagod
Mga sakit, umaawit

Takdang oras sumapit
Mga tintang nakakapit
Kaluluwa'y umaawit
Ala-alang kumapit

Lunes, Agosto 4, 2014

Bakit bawal magpa-ukit?

Bakit bawal magpa-ukit?
Magpa-ukit ng isang larawan
Gustong maranasan ang sakit
Karayom na pumapasok sa katawan

Bakit bawal magpa-ukit?
Dahil mapagkakamalang adik
Sa disgrasya malapit
Kay kamatayan hahalik

Bakit bawal magpa-ukit?
Walang magandang trabaho,
Walang pangarap na mabubuo,
Malata pagdating sa luho

Bakit bawal magpa-ukit?
Lahat daw ay magbabago
Tinta lang nagkaroon
Hindi aking buong pagkatao

Bakit bawal magpa-ukit?
Mga taong natatakot,
Mga taong mapanghusga,
Bakit isa tong problema?

Bakit bawal magpa-ukit
Kung ating ninuno ginagawa?
Senyales ng kalakasan
Sa digmaan guminhawa

Aking ukit, aking sakit
Aking larawan sa katawan
Makita ito'y wag magsalita
Mga salitang mapapait


Sabado, Agosto 2, 2014

Kahapon sa Cubicle

Naglalaro ng baraha
Konseptong Kapitalista
Kelangan ng monopolyo
Upang ika'y manalo

Nakahubad at pawisan
Daig pa mga tao sa gimickan
Nagulat sa dumating
Anghel na may ningning

Sa kanya, ako'y napatingin
Hindi alam kung anu ang gagawin
Patak ng pawis ko'y lumalala
Sa ngiti niya'y natutulala

Pinakilala, hinawakan kanyang kamay
Ngayon, muling meron i-aalay
Kamay niya'y malambot at makinis
Kamay ko'y magaspang at matulis

Tinatanong ko aking labi
Bakit paalam lang ang sinabi
Na-blangkong kautakan
Bakit dito pa sa pinagmulan?

Siya'y daliang umalis
Ako'y biglang lumihis
Pa-simpleng humahabol ng tingin
Tila isang gutom na lawin

Sa yosi ay napabomba
Tumanga sa larong tabla
Katauhan ko'y hindi kumalma
Sumama ata sa kanya

Kalasingan sa Muñoz

Naglalakad sa Muñoz
Binibilisan ang kilos
Nababaliw, naaaning
Mga mata ko gumigiling

Kadiliman ang bumabalot
Nakatambay na mga salot
Tatlong ulo na pugot
Bangka ang sumasagot

Kalasingang dala
Dulot tamang hinala
Akala ko'y may nagwawala
Yun pala'y tulala

Sa may bandang S and R
Parang Batas Militar
Sa kadiliman ako'y naglakad
Sa ilaw ay nakabilad

Sa aming kanto
May nakatambay na engkanto
Isang madaldal na tarantado
Tama niya'y halatado

Nakahinga ng maluwag
Masaktan ng huwag
Pinasalamatan ang Diyos
Daloy ko'y maayos

Biyernes, Agosto 1, 2014

When I close my eyes

In a cold dark night
I set a fire for my flight
Expecting a daylight,
It doesn't feel alright

Ideas clashing in,
Feelings killing from within
Why life bores me to death
Punching, kicking me below the belt

Sick of this world's inequality
A society full of hypocrisy,
Love full of infidelity,
Racism to any kind of nationality

Media in a dynamic cycle
Old ideas creatively recycled
An evil political system
But you cannot blame them

We're the main problem
Not the fucked-up system
With our wicked mentality
We'll never reach tranquility

Aking Pagkasabik

Kelan kaya muling ihahain
Ang aking inaasam na pagkain?
Kelan kaya muling makakapunta?
Makapunta sa pangarap na lugar

Kelan kaya muling iibig
Magkakulay ang aking daigdig?
Kelan kaya muling masasaktan
Mabaliw sa aking pinagdadaanan?

Kelan kaya muling gagawa ng obra
I-aalay lahat hanggang masira?
Kelan kaya muli mararanasan ang saya
Ang saya sa mundong itong walang laya?

Kelan kaya muling matitikman ang dilim
Doon, sa silid--sa silid ng lihim?
Kelan kaya muling magkakakwarta
Upang mabayaran ang mga puta?

Kelan kaya muling babalik
Ang tamis ng unang halik?
Kelan muli aakyat ng tuktok
Bagelya ko ay puputok?

Ilan pa kayang hilik
Upang mawala aking pagkasabik
Ilan pa kayang hirap
Upang mapunta sa hinaharap?