Huwebes, Hulyo 31, 2014

Bomba

Hindi ito yung bomba
Yung laging sumasabog
Ito yung mga sinasamba
Ng mga laging sabog

Araw nila'y laging makulay
Dahil sa isang mahiwagang gulay
Pampatalino, pampagaling
Minsan tumutupad pa ng hiling

Sabi nga nila'y ito ay masama
Mababaliw o papatay pa ng tao
Ito'y aking inalam at hinulma
Inaral ito ng tagong-tago

Sa tagal ng aking paggamit
Wala o meron mang limit
Ito'y dumedepende sa paggamit
Kung mabango o sa may anghit

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento