Huwebes, Hulyo 31, 2014

Tamang Hinala

Uuwi ng bahay
Anu ba itong buhay?
Nag-aral sa Sintang Paaralan
Akala'y pumunta ng inuman


Huwag makinig sa mga bulong
Mga bulong matagal nang lulong
Sige makinig ka at makulong
Sa iyong mga pinapagulong


Masamang tumingin
Dilat parang Lawin
Sige gulong pa
Matuwa ka pa


Nakakapagod nang magtiyaga
Nakakasawa parang Eat Bulaga
Nasan na ang hiwaga
Ng aking pagkukumbaba?

Natatakot sa multo
Multo ng nakaraan
Hindi mo lang alam,
Aking ito'y napagdaanan

Hindi niyakap ang kagaguhan
Hindi makaalis hanggang kamatayan
Inalam lang ang pakiramdam
Sinulat sa isang liham

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento