Maraming hirap at kaba
Lumusong sa bato't baha
Buong lakas ng loob hinaharap
Pagakyat ng bundok akhit salat
Pagkukulang sa pagkain
Masaya na sa inihain
Sa siyudad na babawiin
Ang mga dapat gawin
Ako'y nakaupo sa bato
Magkamali, magiging multo
Kitang kita ko ang hangin
Sa rurok nito'y bumabahing
Sa puno't damo magsasawa
Sa bundok lang makikita
Isang malaking himala
Ang aking pagsama
Kumain nung wala nang araw
Sa bituin ako'y nasliaw
Lasing na ko nung napansin
Kagandahan nito'y umaamin
Ako'y tinatangay ng mga bituin
Inaalon ng sobrang tulin
Nililigaw sa iba't ibang dimensyon
Kung saan kasiyahan ang atensyon
Katawan kong uhaw sa pahinga
Amoy chiko pa ang bunganga
Mata ko'y pipikit-pikit
Walang malay ito'y lumiliit
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento