Ako'y nasa tuktok
Hinahampas ng hangin
Umakyat ng mapurok--
Na bundok at bangin
Sinag ng araw walang silbi
Sa hanging sobrang lamig
Sana'y merong katabi
Katulad ko ng hilig
Dagat na aking nakikita,
Siyudad na iniwan
Sa bundok pumunta
Hinalik ang kalikasan
Ang tuktok parang buhay
Minsan mahirap, walang kulay
Pagtapos ng hanging habagat
Makikita iba't ibang kulay ng dagat
Ang paraisong kay ganda
Hindi ko makakalimutan sa pagtanda
Dito ko nahanap ang hiwaga
Sa buhay kong walang sigla
Abot kayang apakan ang ulap
Binabawi ang natamong hirap
Reyalidad nawala isang iglap
Nahanap ang aking pangarap
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento