Nagising sa tagastas ng hangin sa aking paa, bandang hapon na iyon, iba'y humihilik pa sa pagkakatulog sa pagod na nadama. Si Mark at Apple, at iba pang hindi ko matandaan ang tulog pa/ Humuni sakin ang boses ni Ezra, tila may nalamang pag-asa.Sinabi niya sa amin na may mapagkukunan ng tubig. Dali-dali kong inaya si Dars upang mag-igib ng tubig at magyosi na din. Sa aking pagkakatayo, may nakita akong nakakampong tent. Napansin ko silang umaakyat din nung kami ay nagsisimula. Kapansin-pansin yung isang lalake, nakadreadlocks ang buhok niya at meron siyang tungkod na maporma ; para siyang samurai kapag hawak-hawak niya iyon. Yung isa ay simple lang, nakabandana, diyamanteng tindig ng katawan. Kitang-kita sa kanya ang isang madirigmang ilang beses nang nanalo sa laban, tunay na mamumundok. Sila'y kakatapos lang kumain, nariyon pa ang kanilang kalan at nag-init yata ng tubig. Nilagpasan lang namin sila, at lumakad na sa mabatong madulas na daanan. Nakakairita at nakakatakot ang daanan, ilang beses din akong nadulas-dulas dito, nung tumagal, nalaman ko na ang diskarte. Hindi ako ang umiigib ng tubig ngunit kitang-kita ko ang pagkakagawa nito: ang tubig ay lumalabas sa butas ng isang bato, may sumasalong hating kawayan, nagsisilbing tulay ng tubig. Kung wala itong munting kawayan na ito, hindi kami makakapag-igib ng malinis na tubig. Nariyon sina Ab at si Jans, nag-iigib ng tubig, kami ni Dars ay tumulong, nagpasahan ng lalagyanan ng tubig. Nung matapos na ang lahat ng walang laman, sina Ab at Jans ay nauna na. Nagpa-iwan kami ni Dars upang magyosi doon sa isang malaking bato na hindi kalayuan. Kasya tatlong tao dito, mahamog pa ngunit sandali na lang, makikita mo ang aking kagandahan nito. Sinindihan ko na ang yosi ko, dinama ang sarap ng "Fortune Lights." Nag-usap kami ni Dars, tungkol sa mga kakaibang bagay sa mundo, katulad nito, ang aking ganda ng tuktok. Ang sarap magyosi dito, kitang-kita mo ang gawa ng Bathala, karapat-dapat makita ito ng mga taong nawawala, mga taong nilamon ng kadiliman ng kanilang kagustuhan. Maliliit na burol, punong sumasayaw, sumasabay sa hampas ng hamog. Lubos na ekstasiya ang naramdaman ko habang nakatulala sa kagandahan ng kalikasan, hindi ko namalayang napaso na ako ng yosing hinihithit ko, sumindi muli ako at si Dars, nakaamoy ang iba, sumunod at nagyosi rin. Naalala kong bawal magtapon ng basta-basta, tinipon ko ang mga puwetan ng yosi at itinapon ito sa kampo.
Tapos na kaming magsaing, magkulitan at ngayon ay nakatanga, hinihintay ang gabi. Ala singko na iyon at lumalamig na ng panahon na iyon. Ang mga babae ay kinakausap yung dalawang napansin ko, sila'y natutuwa at tila yatang gustong magkwento ng buhay nila sa kanila. Habang sila'y naghahanda sa aming kakainin, ako'y nakatanga, tulala, lumilipad ang isipan, dinarama ang bawat kasarapan ng hangin dito sa itaas; alam kong hindi ko ito maamoy sa siyudad.
Gabi na iyon, nung kumain kami, habang nagluluto ay umaambon at ako naman tong nagpapayong dito. Natawa ako, nung naalala kong dinala ito ni Dars, hindi ko alam kung anu ang silbe nito, ngunit mayroon(hahaha). Nakasukob siya sa payong, umiinom ng kape sa gabing malamig. Uminum muna siya bago kumain, isa ako sa mga na-unang kumain ng gabihan. Nahuli sina Mark at Apple, Ab at Jans, at si Ezra. Habang nakasukob siya sa payong, nag-usap kami tungkol sa libro. Nagulat ako at solidong fan siya ni Dan Brown ; doon din ako nagsimulang magbasa. Hindi ko akalaing ganun ang konsepto ng mga storya na binabasa niya, kakaiba sa isang babae. Hindi ko na siya tinigilang kausapin.
Inaya kaming uminom ng kapitbahay naming tent, yung kanina, sina Jherald at Reinford. Perpektong-perpekto ang kanilang inumin, hindi ko na maalala ang tatak nito, akala ko, Alfonso ito. Nilagok ko na ang una kong shot, hindi ko ramdam ang haplos ng init ng asidong ito, ang sarap! samahan mo pa ng Tang Pineapple na matamis-tamis. Kami'y nagkwentuhan, nakakilanlan, tama nga ang aking hinala, sila nga ay tunay na mandirigma. Si Jherald ay taga-Cavite lamang at dito talaga bumibisita kapag nangati ang kanyang paa sa pag-akyat, si Reinford, siya ang una kong napansin nung paakyat pa lang kami. Siya ang nakakausap ko, madali lang siyang kausapin, hindi tulad ni Jherald, tahimik at napakamisteryosong nilalang, tila nabuhay na siya nung nakaraan pa ; kitang-kita ko sa kanyang mata. Si Ezra ay hindi umiinom kaya nagtimpla na lang siya ng kape. Ilang tagay din ang umikot at tumama na sakin ang alak, tumayo ako, nagyosi, umalis muna sa tagay at pumunta sa tent. Nakita ko siya, nakaupo sa tent, tumabi ako sakanya at humingi ng kape. Doon na nagsimula ang matagal na usapan. Nakita kami ni Mark at pinicturan na tila may iniisip na ibang bagay. Napansin ng iba na nawawala ako, kami, sila'y nagparinig na pumunta na kami doon at simula na ng pag-inom ng El-hombre Tequila.
Kami'y nagsasayawan sa simple at mahinang musika na galing sa cellphone, para kaming mga baliw na nakakawala sa mental. Ilang ikot lamang nitong alkohol na ito ay binago na ang aking ugali. Hindi mo mararamdaman ang init sa lalamunan ngunit traydor ang tama niya, hindi ko alam, hindi ko napansin. Nababaliw na pala ako. Pina-shot ko si Jherald, hindi siya tumanggi kahit may allergy siya sa alak ; sabi sakin ni Reinford. Ang sarap magyosi at uminom sa kagabihan sa tuktok ng bundok, labis na ekstasiya ang aking naramdaman. Dumating ang punto na ubos na ang aming alak, lahat ay inaantok na ngunit dahil sa kagandahan ng himpapawid, lahat kami'y nagising. Nakakangawit tumingin, kumuha kami ng tarpaulin, humiga doon, pinagkasya ang sarili. Bituin sa himpapawid, hindi mo mabilang sa dami, kitang-kita ang angkin nitong ganda ; kanyang nakakabulag na ningning. Bulalakaw, minu-minutong nagpapakita, hindi ko mabilang kung ilang hiling na ang aking hiningi. Bakit ganito? bakit ang ganda ng gabi dito? Sa aking kalasingan, aking imahinasyon pinalipad ako, pinalangoy sa mga bituin, dinama ang sarap sa Milky Way.

Nagising ako sa lamig, sa ulan ng madaling araw.Ilang minuto rin ang lumipas bago mawala ang tulo ng kalikasan. Mga alas-singko na siguro yon, hindi ko maalala kung paano ako nakarating sa tent nila Mark at Apple. Nasusuka, nahihilo, ang sakit ng aking ulo kaya't bumangon ako. Nakita ko si Garban, magkakape yata, nagpasabay na ako sa kanya mag-painit ng tubig. Dinama ko ang lamig ng simoy ng hangin, natural na lamig, para kang nasa aircon. Naka-sweater na ako nun na may dobleng damit pero ramdam ko pa din sa mga balat kong sumilip ang lamig nito. Naninigas na utong, usok na lumalabas sa bunganga at ilong, nanginginig na katawan, gutom pa ang kalamnan. Kumulo na ang tubig at pasikat na rin ang araw non. Dali-dali kong kinuha ang aking inuman, madumi pa ito kaya nilinisan ko muna ng baby wipes. Pagtapos kong ma-timpla ang tatama sa aking hulog, umupo ako sa bato, hindi kalayuan sa aming kampo. Pinagmamasdan ko ang hamog na nagtatago ng kagandahan. Hindi ko pa mainom ang aking kape dahil sa kainitan nito ngunit ako'y nagsindi na ng yosi. Hithit rito, hithit roon, ang sarap magpa-usok, hindi ko na matiis ang sarili ko kaya't sumisip na ako. Kasabay ng pagkapaso ko ang pagsugod ng ilaw ng araw, konti-konting umiinit, hinahabol ka ng kanyang lupit; pero andito lang ako, dinadama ang lahat. Nung naubos ko na ang aking kape, ako'y mag-iigib ng tubig para sa aming lakbay patungong tuktok. Sila'y nagsasaing, konti-konting gumigising sa pagkakahimbing ng tulog.
Pagtapos kumain, naghanda na sa pag-akyat, dinala ang mga kailangang dalhin. Pinadala ko kay Ezra ang tubig, kwaderno at pansulat ko. Sakit ng katawan ay pumutok sa simula ng aming pag-akyat. Akala'y simple ang daan, pahirap ng pahirap sa bawat hakbang. Ang aming daan ay parang hagdanan, maraming hawakan, pwede ka rin malaglag. Bato at sanga ang iyong matalik na kaibigan, huwag hahawak sa ibang nakikita. Hinihingal na ako non ngunit hindi ako nagpapagil, nakayuko, maduming mga kuko. nakahawak sa bato o sa lupang matibay, para kaming si Spiderman. Nahuhuli kami ni Weedon, naninibago at kinakabahan sa daanan. Nadulas pa ako, naalis ang tsinelas, buti ay nakuha ko pa kundi, nakayapak ako uuwi. Isang hingahan na lang, nasa tuktok na ako ngunit pabagal ng pabagal ang aking galaw, ang aking pag-akyat, slow-mo ang lahat.
Ito na ang aking hininhintay, mapunta sa tuktok, makita ang lahat sa isang iglap. Hindi pa namin nakikita ng maayos ang lahat dahil ito'y tinatago ng mga ulap sa harap namin. Ako'y umupo, nagmuni-muni, hindi pa pala iyon ang paraiso. Meron pa kaming aakyatin na isang bato na tila isang malaking pako. Puro bato, literal na bato. Ngunit hindi ko muna ito inisip. Hinayaan ko ang aking mata at tenga na madama ang presensya ni Inang Kalikasan. Ang sarap, ang lamig ng simoy ng hangin, kay gandang tanawin ; masmaganda pa sa kahit sinong artista. Lahat ng pagod at hirap, nakalimutan ng isang iglap. Kahit problemang bumabalot sa aking puso't isipan, nawala. Hinihingi ko kay Ezra ang kwaderno't pansulat, pinalipad ang aking isip kasabay ng tunog ng hangin na pumapalo sa aking tenga.
"Dito sa parteng ito, huwag na huwag kayong magkakamali." ito ang sabi samin ni Garban, kami'y tutungo na ng bato. mga daan nito, imposibleng madaanan ng mga baguhan. Kelangang tignan at alamin kung saan hahawak o aapak. May mga nagpaiwan, kasama na don si Ezra, sayang, hindi niya makikita. kamay ko'y nangangawit na sa kakahawak, dumarami na ang daga sa aking dibdib. Nakakaba, nakakatakot ang daanan lalo na't isang mali mo lang, iyong buhay ay makikitil. Nakakabinging katahimikan, lahat ay naka-focus sa isang bagay. sinusundan ko ang yapak ni Garban lalo na pagdating namin sa akyatan ng bato. Pumutok ang aking adrenaline, lakas ng loob ko pinalalim. May parteng sobrang hirap, kelangan mong humawak sa tali at umakyat sa makipot na daanan. Isang bitaw mo lang sa tali, ika'y tatangayin ng hangin at mamatay. May mga na-una, ako'y isa sa mga nahuli. Pinagmamasdan ko sila kung paano umakyat, hinahanda ang aking utak at katawan sa aking gagawin. Hindi pa ako handa, at ako na. Ito na. Tara na!
May taong tumutulong sa amin, tinuturo kung saan aapak at hahawak. Ang utak ko'y sumusunod sa kanyang sinabi ngunit ang katawan ko'y naninigas sa takot. Panandaliang pumikit ako at inakyat ang aking sarili. Nakita ko ang aking mga kasama, naka-prente: naka-upo. May umiyak pa sa tuwa't takot, sa kagandahan ng putanginang tanawin! Hindi ko inaakala, ito pala ang para-iso sa maliit na espasyo, ito ang lubos na ekstasiya. Akala ko'y hindi makikita in Ezra ito, siya'y sumunod pati si Weedon at iba pa kay Jherald. Salamat sa kanya dahil nagkaroon ng kumpiyansya sa sarili ang mga naiwan. Ang ulap mismo ay humahampas sa iyong mukha, kasabay ito ng sikat ng araw. Hindi mo mararamdaman ang init nito dahil sa hanging malamig. Nakaupo ako sa isang bato at pumikit. Una'y naririnig ko ang hiyaw at tawanan ng aking mga kasama,tumatagal, may naririnig akong kakaiba: huni ng mga maliliit na insekto, hanging pumapalo sa damo. Dumating ako sa puntong-- hangin na lang ang aking naririnig at unti-unti itong nawawala. Tumahimik ang buong paligid, nawala ang hangin at biglang may dumaan na ilaw sa kadiliman ng aking pagpikit, sinabayan ito ng haplos sa kaliwang bahagi ng aking bulbuling pisngi. Nadilat ako, tumingin sa kanan, at may isang estranghero, sinabi sa akin, "Ayos ba?"
Naka-upo na ako sa bus, iniisip ang mga nangyari, tulala at parang wala pa sa hulog. Para akong ipinanganak muli nung pagkababa namin. Salamat sa dalawang anghel na tumulong sa amin, si Jherald at Reinford na-- nagpakain samin bago umalis. Kulang kami sa pamasahe, kulang din sa oras, kundi dahil sa kanila, maglalakad kami papuntang terminal pauwi. Salamat din na katropa ang kunduktor sa bus na sinasakyan namin. Estudyante sa araw ng linggo. Kulang din kami ng salapi, katabi ko si Ezra at inutangan ni Darren. Hindi siya sigurado kung may pera, pinahawak niya sa akin ang kanyang wallet. Tignan ko daw kung meron. Sa hindi inaasahang pangyayari, may tumataginting na isang daan. Lahat ng nangyari, lahat ay konektado, umayon ang pagkakataon sa amin.
Dumating na sa terminal, lahat ay nagsilisan. Bente pesos na lang aking pera, saktong-sakto sa aking pang-uwi. Wala ng yosi, wala ng pagkaen, nanghihina na ang aking katawan ngunit ang kautakan ko ay gulong-gulo pa rin sa nangyayari. Nasa LRT na ako, papuntang Roosevelt Station. Iniisip ko kung anu yung humaplos sa aking pagkatao, imahinasyon ko lamang ba ito o hindi? Bakit sa rami ng aming prinoproblema ay sobra pa ang binigay na solusyon. Ang sarap, hindi ko ito makakalimutan, itong kwentong ito ay buod pa lang ng lahat ng aking naranasan sa paglalakbay na ito. Salamat sa mga nakasama, sa mga nakausap, sa lahat ng nakita at sa Bathala. Itong pangyayaring ito, ay siya mismong nagpabago ng aking tingin sa buhay. Sana'y makita muli namin ang dalawang anghel na tumulong sa amin. Hindi ngayon, hindi bukas, hindi alam kung kelan pero alam ko, magkikita muli kami.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento