Huwebes, Agosto 7, 2014

Kakaibang dimensyon



Ako'y nanaginip ng gising
Dala na rin ng aking pagkalasing
Naninigas aking mga katawan
Narito muli sa kalaliman

Alam ko ang nangyayari sa ilusyon
Kontrolado ang lahat sa aking paligid
Ngayon, hindi ako nagpadala sa emosyon
Hinahayaan ang katawan ko umalis ng silid

Pumunta sa isang eksena
Unahan ng mga makina
Motorsiklo sa motorsiklo
Mga daan nakakabaliw at nakakahilo

Bilis ko ay hindi normal
Nakikita daig pa ang abnormal
Mga kakaibang puno at hayop
Sa daan ko ; lumulubog

May daanang nasa himpapawid
Paakyat papunta sa bituin
Bumibilis, dama ang init--
Init habang tumatawid

Mga ilaw sumasayaw
Naiiwan, sumasayaw
Tila isang laser gun
Nagmimintis sa kadiliman

Nakikita ko ang aking kalaban
Palapit ng palapit sa katapusan
Mabilisang inisip at pinindot
Katapusan ay inabot

Lumagpas ng mabilisan
Sa mundyong yon lumisan
Bumangga sa hindi nakikita
Dumilat, umaga na pala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento