Bakit bawal magpa-ukit?
Magpa-ukit ng isang larawan
Gustong maranasan ang sakit
Karayom na pumapasok sa katawan
Bakit bawal magpa-ukit?
Dahil mapagkakamalang adik
Sa disgrasya malapit
Kay kamatayan hahalik
Bakit bawal magpa-ukit?
Walang magandang trabaho,
Walang pangarap na mabubuo,
Malata pagdating sa luho
Bakit bawal magpa-ukit?
Lahat daw ay magbabago
Tinta lang nagkaroon
Hindi aking buong pagkatao
Bakit bawal magpa-ukit?
Mga taong natatakot,
Mga taong mapanghusga,
Bakit isa tong problema?
Bakit bawal magpa-ukit
Kung ating ninuno ginagawa?
Senyales ng kalakasan
Sa digmaan guminhawa
Aking ukit, aking sakit
Aking larawan sa katawan
Makita ito'y wag magsalita
Mga salitang mapapait
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento