Martes, Agosto 5, 2014

Ukit

Gabing malamig, lumalapit
Sa tinakdang oras sasapit
Isang larawang lalabas
Sa larawang-- larawang kupas

Ngiti niya'y buhay na buhay
Tila may pangarap na hinihintay
Sa mata  niya, ako'y napatitig
Bakit ako ay kinikilig?

Habang pumapatay ng oras
Kaalaman namin iwinasiwas
Pinagsama-sama sa iisang ideya
Pero magkakaiba ng pananampalataya

Mga kwentong gumising sa akin
Muli akong tumingin sa salamin
Maraming nalaman, kailangang alamin
Kasagutan niya'y ayaw sabihin

Nanakit, napapagod:
Ang hapdi ng pag-uukit
Sa balat kong humahagod
Mga sakit, umaawit

Takdang oras sumapit
Mga tintang nakakapit
Kaluluwa'y umaawit
Ala-alang kumapit

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento