Hindi ko makikita ang buwan,
Ang ningning ng mga bituin,
At ang kabuuan ng kalawakan
Kung umuulan,
Ako'y lalamigin,
Walang kayakap sa aking tabi
Walang dadampi sa aking labi
Kung umuulan,
Wala akong masisilungan
Sa patak ng kasinungaligan
Paniniwala ko'y pagkakatuwaan
Kung umuulan,
Maitatago ko aking kalungkutan
Hindi makikita aking mga luha
Sa mga sakit na aking dinadama
Kung umuulan,
Hindi ko makikita ang kagandahan
Ng masayahin mong mata,
Na lagi akong natutulala
Masaya ka bang umuulan?
Ginagawa itong katuwaan
Sa iba'y kalungkutan
Lalo na kung walang tahanan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento