Sila yung hingi ng hingi
Ng pag-antala ng klase
Mga sigaw nila nakakabingi
Mga utak nangangamoy tae
Sila yung mga hindi marunong mag-isip
Sa libro't teorya doon lang kumakapit
Hindi alam kung ano ang uunahin
Uunahin kung buhay o kaalaman
Sila yung umiiyak kapag hindi natapat
Ang hiniling na suspension dapat
Nakakainis isipin, pag-asa ng bayan
Tinatamad mag-uwi ng kaalaman
Sila yung pumapasok, sa labas ang isipan
Tangina, anu ang iyong natutunan
Bukod sa magbasa at magsulat?
Wala, wala, utak mo salat
Sila yung pumapasok, nakikipagdaldalan
Habang may nagsasalita sa harap
Minsan, ginagawang katuwaan
Sa ginawang ulat sa hirap
Ano ba nangyayari sa Pilipinas?
Asan na ang ating lunas
Sa sakit ng nakaraan,
Nung wala pang pamahalaan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento