Nagbabasa ng mga kwento
Tungkol sa kanilang paglalakbay
Nangangati aking mga paa
Sa oras ng aking paghihintay
Inaalala muli ang simoy ng hangin,
Mga puno, ang katahimikan, at mga ulap
Lalong nangati, pumilantik ang mga paa
Bakit ang tagal pa ng susunod na pagsulyap?
Marami pang bundok kailangang akyatin
Marami pang oras ang gugugulin
Marami pang pera ang kailangang pag-ipunan
Marami pang takot ang dapat maputol
Gusto kong magmadali
Alamin ang mundo
Na sa tuktok lang masasabi
Ang kasagutan dito
Ayokong maging dayuhan
Sa aking kinagisnan
Ang kaalaman at kagandahan
Oo nga, para lamang sa matapang
Hindi ko na matiis ang paghihintay
O Diyos ko, bigyan niyo ko ng gabay
Hindi ko na kayang tiisin
Ang kagandahan ng iyong mga lawin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento