Huwebes, Setyembre 4, 2014

Sa Iyong Paglisan

Sa iyong paglisan,
Maraming umiyak at nasaktan
May mga natuwa,
Naalala ang binahaging kaalamanan
Sa iyong paglisan,
Nakita muli aking guro't kamag-aral
Napakinggan muli ang tinig,
Himig ng aking kabataan
Sa iyong paglisan,
Ako'y bumalik sa pagkabata
Mga ala-ala't karanasan
Hinding-hindi matutumbasan
Sa iyong paglisan,
Ako'y nagsisi
Isa ako sa mga tumatawa
Isa rin ako sa nabuburat
Sa iyong paglisan,
Bakit hindi kita nakausap
Nung lumawak aking kaisipan
Libro mo, muli aking tinutunan
Sa iyong paglisan,
Paano pa kaya ang sigla,
Ang apoy, ang saya
Ng kinagisnang Akedemiya
Sa iyong paglisan,
Hinding-hindi mamatay
Ang iniwang kulay
Kasama sa aking kasaysayan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento