Martes, Oktubre 14, 2014

Tauhan sa Aming Tahanan

Sa unang pagtapak ko sa buhay
Siya mismo ang nagsilbing gabay
Pagtapos ko lumabas sa kanyang bahay
Siya ang nagbigay ng kulay

Sa pagiging maliit at mahina
Sa kanya ako nagbigay ng tiwala
Siya ang nagbigay sa akin ng proteksyon
Sa mundong puno ng aksyon

Sa aking mga kagustuhan,
Siya ang nagsilbing puhunan
Binibili aking mga gusto
Kahit mahal pa ito

Sa aking paglaki, siya ay pumanaw
Ako'y biglang nagbalik tanaw
Sa kalikasang kanyang minahal
Minahal at sumunod sa kanyang yapak

Siya yung taong mahal ang kalikasan
Kaya pala lagi siyang wala sa aming tahanan
Nasa tuktok ng bundok, kinakausap si Bathala
Nung ako'y sumunod, nadagdagan aking tiwala

Sila ang aking magulang,
Mula nanay, tatay, lolo't lola
Kelan kaya kami magkikita-kita
Sa kabilang dimensiyon na isa lamang hinala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento