Sa isang jeep ako'y nahila
Andun pala ang aking sinisinta
Napangiti ako ng sobra
Kulay ng damit niya'y kakaiba
Bago sa aking naglalabong mata
Kulay puti--kasing puti ng kalapati
Lumilipad pagkatapos masawi
Hindi ko akalaing makakasabay ko,
Ang taong nagpapatibok sa puso ko
Buong pagkatao ko'y nag-iba ng timpla
Naging malakas kesa kanina, tulala
Ang simpleng kagandahan niya
Bakit hindi ko makitang simple?
Paano ko ito nasabi?
Mata niya'y tignan mong mabuti
Boses niyang nagpapaswabe
Ng galaw ng aking araw
Ako na mismo ang tumititig
Ako pa rin ang natutunaw
Pambihira ka talaga
Pambihira ang iyong kagandahan,
Hindi itsura o katawan--
Kundi ang iyong kabuuan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento