Linggo, Disyembre 14, 2014

Ilog Pasig

Ilog Pasig kong mahal,
Dating kagandahan mo'y nawala
Sinira--winasak ng mga tanga
Iyong kagandahan naging ala-ala

Ilog Pasig kong mahal,
Dating may buwaya't isda
Mga kapitalistang nang-alipusta
Mga BUWAYA na lang ang natira

Ilog Pasig kong mahal,
Bakit iyong amoy ay bumaho?
Bakit iyong tubig naglaho--
Pinalitan ng kulay ng krudo

Ilog Pasig kong mahal,
Ginahasa't pinabayaan
Ng ating pamahalaan--
Para sa sarili, para yumaman

Ilog Pasig kong mahal,
Puno ka na ng plastik at basura
Halika, tignan niyo, kayo'y mapapamura--
Sa ginawa nating kalokohan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento