Linggo, Disyembre 14, 2014

Mahirap Maging Mahirap

Sa kaguluhan ng EDSA habang naghihintay ng taxi sa Walter Mart Muñoz, nag-desisyon akong isulat yung mga nakita at mga ideyang pumasok sa isipan ko. Sana'y magustuhan ninyo dahil ang aking titirahin ngayon ay wala na kundi ang mga kotse.

Linggo ng Disyembre 14, lagi-lagi na namin itong ginagawa ng aking Ina tuwing sasapit ang araw kung saan sasahod ang aking ama. Ngayon, sasabihin kong wrong timing ang araw na ito sa kadahilanan na may iniinda akong sakit sa kaliwa kong paa. Paika-ika ako naglakad papuntang Walter Mart. Susunduin ko ang aking ina at doon kami'y maghihintay ng taxi para umuwi.Bago ko siya kitain ay bumili muna ako ng sampung kilong bigas at mga rekado na gagamitin niya sa pagluluto para sa aming gabi. Hinihintay niya ako sa Mcdo kung saan nakita niya akong hirap na hirap maglakad, doon niyang nalaman na may iniinda akong sakit. Pumila kami sa labas ng Walter Mart, sa may taxi lane, kung saan napapalubutan ng maraming taong naghihintay ng kanilang sasakyan.

Naalala ko tuloy yung dating eksena kung saan sari-sariling diskarte ang ginagawa upang hindi masayang ang oras nila sa paghihintay. May nanghaharang ng taxi, may mga tumatawag ng taxi, at iba pa ay gumagamit ng application sa kanilang naggagandahang cellphone para masundo. Wala naman kaming kotse para hindi na pumila, wala naman kaming cellphone na may ganung application, kaya sa aming paghihintay ay ginamit ko ang mata at tenga ko para magawa itong article na ito.

Binilang ko kung ilang taxi pa ang dadaan para kami na ang sasakay:sampu pa ang kailangan para kami maka-uwi. Matagal-tagal na oras iyon. Gusto ko sana magyosi kaso nakakahiya sa aking Ina na makita niya ako. Oo, legal na ako magyosi ngunit hindi ko pa rin pinapakita sa kanya. OO, naamoy na niya ngunit hindi ko pa rin inaamin. Anu nga ba ang mga nakita at pumasok sa isipan ko habang tinitignan ang sitwasyon sa ibang perspektibo?

Hindi ko alam kung mali o tama ang pag-iisip ko pero--tama bang magkaroon tayo ng kotse? Anu nga ba ang pagkakaiba sa pagcommute at sa pagkakaroon ng sariling kotse? Sa akin, wala naman silang pagkakaiba, parehas lang naman silang dadaan sa iyong paroroonan ngunit kung may sarili kang kotse, oo, masmabilis at hindi sakit sa ulo ngunit hindi mo ba naiisip na ang kotse mo ay dahilan ng lubos na trapiko sa EDSA? papaano? Ganito, Kung ikaw lang naman mag-isa pupunta sa pupuntahan mo, ano ang mali sa paggamit ng jeepney, trycicle, bus o taxi, kung kaya mo naman? Ang isang bus kayang magsakay ng mga 50 mahigit na tao, ang jeepney 20 mahigit, ang taxi hanggang lima o anim depende kung may kasama kang malusog at patpatin. Eh kung isa ka lang naman, bakit hindi mo subukan? Sayang ang krudo, sayang ang espasyo sa EDSA. Napansin ko nga kanina, masmarami pang pribadong kotse kesa sa mga pampublikong sasakyan, tama ba yon? Kahit may color coding tayong sinusunod bakit masikip pa rin sa EDSA? Hindi ko alam kung sobrang dami na ng pribadong sasakyan sa Pilipinas o sobrang dami nang colorum na bus dito. Okay lang sa akin yung colorum eh, kaso yung pribadong sasakyan? dagdag sakit pa sa ulo. May mga kotseng pahamak sa iba, yung tipong magiging dahilan ng trapik dahil kabado at hindi pa sapat ang nalalaman nito ; May mga kotseng tarantado talaga, yung walang sinasanto singit lang ng singit kahit truck o bus na ang sinisingitan nila; may mga kotseng hindi na dapat ginagamit sa katrapikan ng EDSA, eh dahil Ferrari o Porsche? Tangina. Di mo na nga dapat ginawa, pinagmayabang mo pa, anung nangyari? sobrang sensitibo mo sa daan yung tipong para kang ambulansya na walang dumidikit sayo kasi alam nilang burges ka at kayang-kaya mong baliktarin ang katotohanan na si manong drayber ang may kasalanan dahil sa matalino mong tarantado, este abugado. Anu ang mga naging bunga ng mga ito?

Unang-una, sa ating inang kalikasan, kitang-kita ko ang polusyon na bumabalot sa kahabaan ng EDSA.Naawa ako sa sarili ko dahil ako mismo ang lumalanghap ng maduming hangin na nilalabas ng tambucho ng mga kotse niyo. Pangalawa, tila impiyerno ang init ng EDSA kapag hindi ka naka-airconditioned na bus. Pangatlo, maraming naantala sa kanilang pagtratrabaho dahil sa kasikipan na dulot ng iyong kotse. Nakakasawa nang ganito ang nakikita ko, sa araw-araw, bakit ngayon ko lang napansin?

Ako, mas nanaisin ko pang sumakay ng nagsisikipan na bus o jeepney, hindi dahil sa hindi ko kayang bumili pa ng kotse, dahil masnararamdaman ko kung gaano kahirap ang buhay. Mas dama ko ang sarap ng pagbyahe. Nakakakita ako ng iba't ibang uri ng tao at minsan'y nakakausap ko pa. Ayoko nang maging bahagi ng kasikipan ng EDSA, at kung magkakaroon ako ng kotse, gusto ko yung maraming makakasakay, gusto ko yung matibay na kahit pabalik-balik ka ng Antipolo ay hindi masisira, gusto ko yung kotseng hindi gumagamit ng krudo, gusto ko yung walang polusyon na maidudulot sa namamatay nating Inang Kalikasan.

Sa pagtatapos ng walang kwentang article na ito, sana'y naliwanagan kayo kahit papano. Sana'y paggising niyo bukas ay iiwanan niyo na lang ang kotse niyo at susubukan mag-commute. Sana'y hindi nasayang ang mga salita at emosyon na binitawan ko dito. Sana'y tumulong kayo pahilumin ang mga sugat ng ating Inang Kalikasan. Iyon lang. Maraming Salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento