Mga ideyang humaplos lang sa aking isipan at ginawang sulat, minsan pangbaliw, minsan pang-masa, kayo na bahala humusga. Hindi ko hinihingi ang inyong papuri, gusto ko lamang ipahayag ang aking ideya o saloobin sa iisang bagay.
Miyerkules, Disyembre 31, 2014
Ipuputok ko ba o hindi?
Heto, kakaunting oras na lang bago magbagong taon ngunit may tanong sa isipan ko, ipuputok ko nga ba o hindi? Sabi nga ng ating tradisyon, ang pagpapaputok daw ng paputok ay pang-alis ng malas pero bakit ngayon ay kwinekwestiyon ko na ito? Hindi ko alam kung tumatanda na ako o---wala lang akong perang pambili ng picolo ngayon. Anu nga ba ang pinupunto ko? hindi ko rin alam eh, 'di ko rin alam kung saan hahantong ito.
Hindi pa nagsisimula ang bagong taon ay marami nang nababalitan na napuputukan, karamihan dito ay mga kabataan, meron pa ngang pinapatay ng ligaw na bala. Bakit pa ba kailangan magpaputok ng baril tuwing bagong taon? pwede namang kwitis tapos may hawak kang baril-barilan sabay doon mo itatapat,O diba? instant bala na agad kaso hindi ka nakapatay at mukha kang tanga sa trip na iyon. Karamihan pa ata ng nagpapaputok ng baril ay mga magagaling nating pulis, yung mga maangas na kamukha ni Brutos/Brutus sa "Popoye the Sailor Man" o kaya naman ay isang mayaman na may-ari ng baril na ginamit sa tinatawag nating self-defense, self-defense, nak ng puta may namatay na bata dahil sa ligaw mong bala!
Hindi mo ba alam na tuwing nagpapaputok ka ng magarbo o simpleng paputok, sumasabay ito si Inang Kalikasan sa bawat pagsabog. Siya'y umiiyak. Siya'y nagmamakaawa na sana'y matuto tayong hindi magpaputok. Nung unang panahon naman, sinasalubong natin ang bagong taon ng nagsasayawan habang nakapamilog sa apoy na nagsisilbing ilaw nila tuwing dumadapo ang gabi. May himig pa ng hangin at gawa-gawang instrumento na nagsisilbing tunog ng kasiyahan. Diba? masmasarap kung ganun natin gunitain ang bagong taon. Saan nga ba naimbento ang pulbura? aba siyempre doon din nagsimula ang paputok. Sila ngayon yung naghahari sa mga business dito sa Pilipinas, digs niyo na kung sino? Siyempre!
Oo, maganda sa mata natin yung mga makukulay at nagsasayawang paputok sa kaulapan. Hindi ko matatangging kahit ako mismo ay naaliw sa kagandahan nito ngunit ni-hindi kami bumili ng ganito dahil mabigat sa bulsa. Karamihan ng paputok na pinapaputok ko nung nakaraang taon ay bigay lamang ng butihin kong lolo. Karamihan ay whistle bomb o kwitis pa nga. Tutal nabanggit ko na yung kwitis, diba sa ere lang dapat tinututok yon? May mga gangster na pa-cool kanina sa pinaglalaruan ko ng skateboard. Tangina! sa lupa tapos galit na galit yung tunog, sabayan mo pa ng picolo na sobrang lakas na ngayon. Nakakabwisit yung masansang na amoy ng paputok. Kahit yung ingay, nakakaputok ng presyon kapag naririnig mo. Hindi ka ba naiirita sa ingay? bakit tuloy-tuloy pa rin ang iyong pagpapaputok kung ganon?
May mga nabibiktima ngunit hindi napuputukan, yun yung mga pasabog-sabog na mamayan sa Pilipinas. Yung tipong nagpaputok sabay hindi maghuhugas ng kamay tapos kakain. Sarap, rekta ka sa Ospital be. Minsan may tao pang kumakain habang may nagpapaputok, may nababalitaan akong humahalo sa pagkain ang usok ng paputok at magugulat ka na lang. Kinabukasan magtatae ka o kaya rekta nga sa Ospital.
Iputok mo man o hindi ang hawak mo, isipin mo ang kapakanan mo, ng kapwa mo, at ni Inang Kalikasan. Isipin mo kung magiging masaya ka pa ba sa trip mong ingay. Ang malas, puta ikaw lang gumagawa niyan. Bakit nga ba kelangan mo magpaputok para mawala ang malas? hanggang ngayon yan pa din ang tanong sa isipan ko pero kung iisipin mo, hindi naman kelangan. Ikaw bahala kung makikisabay ka sa uso. Ikaw bahala kung ibabato mo yan sa mga naglalakad sa inyong kanto. Isipin mo din pala yung alaga niyong aso(kung meron man), ito ang kadalasan na kinakatakutan nila. Ikaw bahala sa buhay mo kung ano ang desisyon mo. Nilahad ko lang ang aking mga opinyon tungkol sa nalalapit na bagong taon. Ingat kayo mga tropa. Maligayang bagong taon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento