Linggo, Disyembre 14, 2014

Pilipinas, ayos ka lang?

Pilipinas hindi ka ba nagtataka,
Kung bakit madaming dayuhan dito
Kung bakit madaming gusto umangkin--
Ng ating mga kayamanan iho?


Pilipinas hindi ka ba nagtataka,
Kung bakit ang mayayaman sa ating tinubuang lupa
Ay mga dayuhan na matagal nang nang-aalipusta?
Bulag, pipe, at bingi ka ba--anak ng puta!


Pilipinas hindi ka ba nagtataka,
Ang mga politiko ay pare-parehas ang apelyedo,
Yung mga tropeyo nila'y manipulado?
Ginagawa kang tarantado, Pilipinas


Pilipinas bakit ka nagbubulag-bulagan?
Doon sa mga nakikitang hindi kaaya-aya
Pinapabayaan hanggang tayo'y pahirapan,
Bakit ka natatakot sa katotohanan?


Pilipinas bakit ka nagbibingi-bingian?
Sa mga naririnig na teorya't saloobin,
Sa mga tsimis laban sa mga politikong--
Labis na magnakaw, Pilipinas GISING!


Pilipinas bakit ka hindi nagsasalita?
Tungkol sa mga nakikita't nalalaman,
Natatakot ka ba? huwag.Ilabas ang katotohanan
Pilipinas lumaban ka! Pilipinas gumising ka!


Tangina, bakit tayo pinag-aagawan ng iba't ibang bansa?
Tangina, bakit may mga dayuhan na sumisira ng ating kapaligiran?
Tangina, bakit maraming namumuhunan dito na tiga-ibang bansa?
Alam mo bakit? Pilipinas ang pinakamayaman na bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento