Huwebes, Setyembre 18, 2014

Feasibility Study

Narito ang aming grupo
Sa bahay ng nakaraan
Kung saan nagtagpo
Ang solidong pinagsamahan

Iba na ang kasama
Yung isa hindi pa kasama
Ngunit masaya kami
Sa huni ng aming lider

Kasalukuyang binabalbal ang utak
Tinitiis ang lahat ng hirap
Kapag kami'y nagwatak-watak
Mararanasan ko na ang sarap

Boses na nagkakantutan
Huni ng asong nakakairita
Ulap na puno ng kadiliman
Pumapatak! 'di ko sinisinta

Kabusugang naranasan
Lakas naming pinagmulan
Katamarang pinatay
Sipag ay binuhay

Siya ang nagsilbing tulay
Siya ang nagsimula ng apoy
Itong proyektong ito'y
Labis naming makakatay

Salamat sa pagtitiyaga
Salamat sa pag-unawa
Dito sa aming liga,
Kasiyahan ang mananawa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento