Dito tumatambay
Kapag hindi makasabay
Sa alon-- alon ng buhay
Madilim ang kulay
Gabi na't malamig
Sa tunog ng makina,
musika at mga sigaw;
Ako'y natutulala
Napupuno na sa kalungkutan
Hindi alam kung san pinagmulan
Nagsasawa na sa buhay
Napapagod at nangangalay
Bakit ganito ang hirap?
Paano na ang hinaharap?
Asan na ang sarap?
Halika na't humarap
Nasasabik na sa pagkakataon
Matapos aking hamon
Sa kasiyahan gumulong
Gumulong hanggang malulong
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento