Biyernes, Setyembre 19, 2014

Mario



Hindi yung bida sa laro ang tinutukoy ko
Si Mario, yung punyetang ulan 'di masuyo
Akala ko, makakapunta ako sa paraiso
Mararamdaman ang kalikasan mansuyo

Kahit gaano kalakas ang ulang dumating
Kung handang-handa tayo sa kanyang pagdating
Ngunit hindi, napupunta ang pondo sa mga tarantado
Sa bulsa ng mga putanginang buwayang politiko

Hindi naman ang lahat ay sa kanila masisi
Tayo rin, may pagkukulang at pagkakamali
Tayo'y siningil ng mga basurang tinapon
Tinapon natin sa buong maghapon

Dating magandang ilog,
Dahil sa korporasyon nahulog
Bumaho at dumumi ating ilog
Ilog ng Pasig

Baradong mga kanal
Nangangamoy imburnal
Tutal tayo ang gumawa,
Tayo rin ang dadama

Tuwang-tuwa ka pang walang pasok
Ngunit natuwa ka bang maging salot?
Salot sa ating Inang Kalikasan
Regalo mula sa ating pinagmulan

Tayo raw ang mangangalaga
Ngunit bakit natin sinisira?
Paano na ang ating anak at apo
Kung ang tirahan ay maglalaho?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento