Linggo, Setyembre 21, 2014

Storya ng Nagtataeng Bolpen

Lumilipad ang isipan ko nung sinabi ng aking guro na may pagsusulit kami ngayon ; kwaderno't bolpen lamang ang aking dala sa bag ko at meron pa pala, yung libro ni Bob-ong, "Stainless Longganisa" na hindi ko na alam kung saang pahinga ako natigil. Humingi ako ng papel sa isang kamag-aral na hindi ko kilala sa pangalan. Nung kukunin ko na ang panulat kong bolpen, naalala ko... nakalimutan ko sa bahay ng aking ka-grupo sa thesis ang paborito kong panulat. Nahihiya ako manghiram, hindi ko naman ka-block tong mga ito ; ito ang hirap ng pagiging irregular na estudyante, sa CWATS pa, oo, sa putanginang subject na ito pa ako tumagilid.

Ito ang storya kung bakit sa CWATS pa ako nagkaroon ng bagsak. Kasagsagan ng enrollment yun sa Polytechnic University of the Philippines, isa ako sa mga pasado sa entrance exam ngunit wala yung kursong inaasam ko. Pumili ako ng tatlong kursong pwede ko nang pagtiyagaan. Sa College of Business ako nabagsak. Marketing ang aking pnili, hindi ko ito pinagsisihan pero nagsisi ako kung bakit sa ROTC pa ako napunta ; hindi ko pinili yun, yung interviewer ko ang pumili. Mula noon, hindi ko na pinasukan ang ROTC at naging dahilan ng pagkakabagsak ko(natural).

Bumalik tayo sa Storya, naghahanap ako ng bolpen sa bag ko, marami naman ngunit wala nang tinta dahil sa pagsusualt ko ng mga walang kwentang tula o storya na ginagawa ko katulad nito.Paano ko nasabing walang kwenta? Hindi naman ito magpapayaman sa akin, hindi naman ito babsahin ng tao dahil mastrip nilang manuod ng telebisyon na puro kalandian at paulit-ulit na konsepto ng teleserye, at hindi rin nila magugustuhan ang paraan ng aking pagsulat dahil sa labis na pagpuna ko sa ating panget na lipunan. Ngunit bakit ko pa rin tinutuloy ang kahibangan na ito? Dahil trip ko, gusto kong malaman ng mundo kung anu-ano ang ideya ng mga nagkakaroon ng magulong utak, kulang na lang ay sabihin nila baliw ako, baliw na ako, matagal na.Masaya ako doon. May nahawakan akong bolpen ngunit ito ay amdumi dahil sa tintang nagtae. Ito na ginamit ko, sa unang letra pa lang, nadumihan na ang daliri ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiilang pero nung bata pa ako, yung iniidolo ko pa si Yugi at Kaiba, yung kinakanta ko pa yung opening song ng Pokemon, wala akong pake kung nagtatae ang tumataginti kong HBW2000. Basta sumulat, yun na iyon.

Hindi ko na tinapos yung pagsusulit na ito dahil akala ko, katulad ng iba, hahayaan lang ang pinapapasa ko: Ginawa kong pagsusulit sa bahay. Si Glory ang nagpasa nito, akala ko hihingin niya ang kabayaran sa pabor na hiningi ko sa kanya, ngunit nung tinanong ko kung ano ang kagustuhan niya, siya lamang ay ngumiti at sinabing "Wag na po kuya." Laking pasalamat ko na may tao pang gumagawa ng kabutihan na hindi humihingi ng kahit anong kapalit. Sa buhay ngayon, swerte ka nang meron kang kapwa na gumawa nito, hindi ko pa masasabiing kaibigan na kami pero sa puso ko, isa na siya.

Habang nagsusulat ay nilapitan ako ng aming guro para sabihin na bumili ng libro sa walang kwentang subject na ito. Masmakapal pa ang libro ni Bob-ong at masmay makukuha ka pang aral sa libro niya kesa dito. Sa halagang P250.00, matututunan ka: magpakatao, tumulong sa kapwa, at iba't ibang kaplastikan na pwede mong gawin sa kapwa mo. Ramdam kong gusto lang niya kumita ng malaki kaya't todo ang kanyang pagpapaalala sa amin na bumili ng libro niya. Katulad siya ng ibang professor na gustong malunod sa salapi galing sa kanilang porsyento sa pagbebenta ng libro na bilang requirements(daw). HIndi naman ako makalaban baka lalo pang tumagal ang aking delubyo sa paaralan na ito. Pabor sa akin iyon ngunit ayokong mangyari dahil ako ang inaasahan ng pamilya ko sa pagtataguyod ng aming pamumuhay.Kung yumayaman ang bansang Pilipinas, bakit naranasan namin ay hirap? Hindi dapat sinisisi sa gobyerno sa mga nararanasang hirap pero sinisisi ko sila sa lalong pagpapahirap sa hirap na tinatamasa. Lahat ay tumataas, pagkain man o tubig: ang tax tumataas ngunit hindi naman ramdam ang pagtaas ng pamumuhay ng Pilipinas.Buti pa fishball at si Mahal hindi tumataas.

Maraming isyu ang hinaharap ng Pilipinas ; isa na ang hindi matapos-tapos na korupsyon dio sa ating Inang Bayan. Maraming pangalan na ang sinabi ngunit hindi naman napaparusahan. Mga magagaling magtago at mang-abuso ng kahinaan ng pundasyon ng batas itong mga tarantadong ito.

Mauubos na ang tinta ng aking panulat. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang aking sinulat dahil wala namang pinatutunguhan ang kwento. Sa apglabo ng mga letrang sinusulat, naisip ko, maubos man ang tinta nito, ang mga napaluob dito ay hindi mawawala, mananakaw, o makakalimutan. Katulad ng aking mga ginawa, wala mang magbasa ng mga ito, meron naman akong iniwan na parte ng aking buhay bago maubos ang aking tinta: ang aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento