Hindi ko naman dapat ikwento ngunit ginawa ko pa din. Wala akong karapatang magreklamo pero ginawa ko pa din. Nakakainis kasing isipin, yung yosing kinupit ko sa tatay ko ay napeste ; dapat ito yung yoyosihin ko pagkagising ko na may mainit na kape habang tumatae, pero napeste, napeste, napeste.
Anu nga ba ang peste? kung literal nating iisipin kung anu ito, ito yung anay,daga,ipis, at kung anu-ano pang mga maninira ng kagamitan o pagkain sa bahay. Kung sasabihin ko yung aking pinupunto kaagad, parang walang kwenta ang sulating ito. Tatanungin ko ulit kayo, "Anu nga ba ang peste?"
Peste, maraming peste sa mundo, isa rin tayo sa mga peste na sumisira sa inang kalikasan. May mga peste ring kaibigan na magaling manalo ng kasintahan ; meron ding pesteng kaibigan na maninira sa iyong nililigawan. Teka lang, lalaliman pa natin ang salitang peste. May mga pesteng politiko na walang alam kundi gumawa ng paraan para may makurakot, mga pesteng pulis na hoholdapin ka daanan dahil sa hindi mo alam na violation na sinasabi nila, at mga pesteng gumagawa ng batas. May pesteng drayber ng dyip na sobrang bagal magpatakbo at magpapagasolina pa, mga pesteng barker na kahit sardinas na sa loob ng dyip ay magpapasok pa rin ng dalawa o tatlo(ang sarap sikuhin nitong mga ito).
May mga pesteng estudyante ring hindi marunong magbasa kung saan ang kaliwa o kanan, minsan sila pa yung galit kapag nababangga mo sa hagdanan na may nakasulat na "Keep right," gaano ba kahirap intindihin iyon? meron ding pesteng kaklase na hindi ka tutulungan sa oras ng kagipitan ngunit tinulungan mo naman din sila. May pesteng professor na hindi naman nagtuturo at nagpapabenta lang ng Avon. OO, putangina, kahit lalake ka, kailangan mo magbenta ng produkto ng nasabing kumpanya.
Matagal ko nang iniisip kung paano ko ikwekwento ito, pasalamat kay Marcelo Santos fucking the third, siya ang nagsilbing apoy sa aking pagsusulat ng maiksing article na ito. Bakit nga ba siya? Unang-una sa lahat, plagiarist itong tarantadong ito. Hindi ako naniniwalang hindi siya nagbabasa mga babasahin kasi alam na alam ko kung saan niya kinukuha ang revised o tagalize(kung may salitang ganito) na quotation. Hinahangaan kitang nasapul mo ang iyong target market: mga bobo na hindi ko alam na kasama ka rin dito. may kasabihan nga tayo "birds of the same feather flock together." So, oo nga, isa ka ring bobo na hinahangaan ng iyong mga bobong tagasubaybay. Inalis mo yung sarili nilang pag-iisip sa konsepto ng mundo, yung tipong rekta subo na agad kahit mainit pa. Mahirap yon, gumagawa ka lang ng taong magiging robot sa huli. Meron ka pang dinadamay na pangalan ng isang mataas na uri ng tao ngunit hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mong katarantaduhan? Wala na ngang musika dahil sa mga pesteng papoging mga singer/banda, wala na ngang magandang pelikula dahil sa mga pesteng direktor at nag-gwagwapuhang artista na alagang belo; tapos papatayin mo pa ang literatura... tanginaka ng maraming beses, yung tipong lalagpas pa ng Milky Way papuntang ibang planeta.
Masmabuti pang ma-peste ang yosing tinago kesa ma-peste ang libangan ko, ang inspirasyon ko, ang leksyon ko, at ang reyalidad ko. Kapag nakita ko yung dagang bumutas ng yosi ko, aayain ko pa siya magyosi at tuturuan kung paano gamitin ang nasabing lason na ito. pero sayo, alam mo na kung sino ka, wag na wag kang magpapakita sa PUP dahil sasakalin kita at hahampasin kita ng librong hardbound na yung pamagat ng libro ay umukit sa kukote mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento