Biyernes, Oktubre 3, 2014

1:00 A.M

Hindi ko alam kung saan ka nagpunta
Hindi alam kung bakit wala ka pa
Hindi alam kung bakit hinahanap ka
Sa totoo, wala naman akong karapatan

Hindi ko masabing,"mahal kita."
Natatakot kung saan mapupunta
Hindi kita kayang mayakap
Kahit gustong-gusto ko na

Nababaliw ako kapag wala ka
O, asan ka na aking sinta?
Isang araw mong paglisan
Parang isang taong iniwan

Mundo ko'y wala sa tiyempo
Ilaw sa dilim lumalabo
Bakit na ako nagkakaganito?
Ito na ba ang kinakatakot ko?

Ang labis na paghahanap
Ng kalinga't alaga
Parang asong naghahanap
Di na masaya kapag sobra

O, pagkakataon asan ka na?
Bakit hindi ka nagpapakita--
O sadyang hindi lang kita makita
Asan na ba ako napupunta?

Kahit anong pag-iwas
Kahit anong pag-aaliw
Ikaw pa rin nasa puso't isipan:
Aking prinsesa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento